"Pwede ba akong sumama sa business trip mo, Ninong?" mensahe ko iyon sa lalaki. Gabi na ng bumalik si Ninong at nakipag-usap kay papa. Iyong flashdrive na hinahanap nito ay naroon lang pala sa couch. Si ninong lang din ang nakakita. "Bukas na ang alis ko, Iskayla. Nakapagpaalam ka ba sa ama mo?" "Ah, may schedule ako bukas na charity event. Pwedeng palabasin ko na roon ako pupunta. Gusto kong sumama, Ninong. Please?" Naghintay ako ng reply. Ilang saglit pa ay may tugon naman ito "See you." Napangiti ako. Agad kong inasikaso ang gamit na dadalhin ko, nang matapos ay nagpasya na akong matulog. Pagkagising ng 2 am ay naghanda na ako sa pagtakas. Bitbit ang bag ko'y umalis ako ng bahay habang tulog ang lahat. Naghihintay ang sundo ko pagkalabas ko. Hindi ko naman nakalimutana na maglagay