Hinila papasok ni Iskayla ang kapatid n'ya sa kwarto. Napasunod naman ako. Dahil baka magbugbugan ang dalawa roon. Malakas na sinampal ni Iskayla ang kapatid n'ya nang naroon na sila sa loob. Pero tumawa lang si Kaylara. "Bakit galit ka? Nasaan na iyong pa-virgin kong kapatid na akala mo'y hindi makabasag pinggan?" tanong nito. "Paano mo nalaman?" gigil agad itong si Iskayla. Akmang hahawakan sa braso si Kaylara, ngunit tinabig iyon ng kapatid n'ya. Ako naman ay humakbang patungo sa gilid ng kama ni Kaylara. Naupo roon. Sayang naman at walang kape. Maganda sanang manood nang kaganapan habang humihigop ng kape. "Paano ko nalaman? Sa sobrang kakatihan mo'y kung saan-saan na lang kayo nagkakalat ng Ninong mo. Sa sobrang kati mo ay hindi mo na mapigil iyan, kaya kahit saan na lang ay nagpa