"Sobrang busy mo to the point na ngayon lang ulit kita nakita." Nasa tono ng boses ni Kuya Stephen ang disappointment. Nasa sad boy era ata si Kuya Stephen dahil pati boses n'ya ay lungkot-lungkutan + disappointment look. "Stephen, nasabi ko naman sa inyo na busy magliwaliw ang kapatid n'yong bunso. Ngayong graduate na siya ay hayaan n'yo siyang mag-enjoy." "Hindi naman kami against sa pagliliwaliw n'ya, pa. Ang sa amin lang ay sana naman magsabi s'ya, or balitaan man lang sana n'ya kami kung ano na ang ganap sa buhay n'ya." Wala naman kasi akong tawag or text man lang na sinagot mula sa kanila. Nagtatampo na sila. Nauunawaan ko naman. Nami-miss ko rin naman ang mga ito. Pero mahalaga rin naman kasi ang ginagawa ko. "Gusto n'yo bang mamasyal tayo?" tanong ko na lang. Baka magamot ko an