"Maayos na kami rito, 'nak. Salamat talaga sa 'yo." Kausap ko sa phone si Nanay Charlie. Nang sabihin ko ritong aalis na ako ng hacienda, agad itong pumayag. Dahil sobrang nakaka-trauma naman daw talaga ang nangyari sa siyudad. Hindi sila nagtanong ng kahit ano. Itinikom nilang mag-asawa ang bibig nila. Dahil alam kong si Papa Silas na ang pansamantalang hahawak sa hacienda, masinsinan kong kinausap ang mag-asawa pati na rin si Princess Charlot, na sumama na lang sa akin sa siyudad. Nangako akong bibigyan sila nang kabuhayan at pag-aaralin si Princess Charlot. No'ng una ay nag-alinlangan pa sila. Pero dahil pinagdiinan kong mapag-aaral ko si Princess Charlot sa siyudad, pumayag sila. Isinama nila si Aling Jilda. Oo, isinama nila. Nagkita na rin ang mag-ina. Si Aling Jilda at si Ganda