Hapon na nakabalik si Ate Bechay. Malaki pa ang sukli ng perang iniabot ko rito. Tinulungan pa n'ya akong mag-ayos ng mga iyon sa cabinet, at sa ref. Kung darating man iyong naunang nakapagbayad ng upa rito, wala na itong paglalagyan ng groceries n'ya. Well, pwede naman siyang manguha. Hindi na ako madamot ngayon, may milyones na ako ngayon. Isama pa ang gold bars. "Uwi muna ako." Paalam ng babae sa akin nang matapos kami roon. Inabutan ko naman siya ng isang libo. "Ang laki naman nito." Takang ani ng babae. Nahiya pang tanggapin. "Keep it. Baka kasi may kailangan pa akong ipagawa later." Iyon na lang ang sinabi ko rito. Naranasan kong maging runner ng ilang kaklase kong mayayaman, alam ko namang mahirap iyon. Nakaluluwag naman ako, kaya why not magdagdag, 'di ba? "Sige, tawagin mo lan