"Amen." Nakisabay na lang ako. Hindi ko naman kasi alam ang dasal na iyon. Tumayo na ako. Pero hindi pa pala sila tapos. Takang napamulat ng mata si Iskayla dahil sa ginawa kong pagtayo. "Hindi pa tapos?" kamot ulong bulong ko rito. "Hindi pa." Pinaupo n'ya akong muli sa tabi n'ya. Nandito kami sa burol ng Nanay ni Ange. Kanina ko pa nilalapirot iyong isang saging. Lamog na lamog na. Pero mahaba ata itong padasal nila ngayon. "Iskayla, need ko na umuwi." Bulong ko rito. Sumagot din ito nang pabulong,"Matatapos na ito. Saglit na lang." Naniwala naman ako. Pero inabot na ng 30 minutes, hindi pa rin tapos. Pakiramdam ko'y magigising na iyong patay sa tagal nang pagdarasal nila. Habang nakapikit si Iskayla ay dahan-dahan akong tumayo. Aliw na pinagmasdan ako ni Hiru, ang bodyguard ni Isk