"Wolf?" hindi makapaniwala si Uncle Lincon habang nasa harap n'ya ako. Ilang araw rin bago ito nakarating sa Apolina. Hindi rin naman kasi pwedeng bigla na lang itong sumugod dito sa bayang ito na hindi iniisip ang safety n'ya. Hindi ko kilala ang grupo ng mga tauhang bantay nito. Si Xepona na at si Hunter na ang nakapag-usap sa bagay na iyon. Pero base sa mga itsura nila, hindi sila papahuli sa sampung tauhan ni Hunter na kilala ko. Kinabig ako ni Uncle at niyakap. Pero agad din namang pinakawalan, dahil may lalaking agad tumapik dito na akala mo'y maaagaw ako dahil lang sa simpleng pagyakap. "Kumusta, uncle?" casual na tanong ko sa matanda. Hinawakan ko siya sa braso, saka iginiya patungo sa couch. "Ito... sobrang excited na makita si Nere. Buong akala ko talaga na pareho na rin kayo