Sabado. Wala kaming pasok ni Hunter. Pero imbes na magpahinga ay narito kami ngayon sa labas ng mansion ng mga Martinez. Dalawang motor ang nakaparada. Dalawa kami ni Hunter sa isang motor, habang si Dwight ang nakasakay sa kabila. Oras na ng hapunan, ito rin ang oras na ibinilin ko kay Iskayla para sumalisi. 30 seconds, iyon lang ang nilaan namin. Sinabihan ko ito na lumabas agad pagpatak ng oras na napag-usapan. "5, 4, 3---" "Nandito na ako." Hingal na hingal na ani ni Iskayla. Agad itong sumakay sa motor ni Dwight at mahigpit na yumakap sa lalaki. Napapito pa si Dwight sa ginawa ng babae. Ramdam ko sa Karakas ng lalaki na mahilig ito sa babae. Datingan pa lang. "Helmet." Paalala ko kay Dwight. Dinikitan lang itong si Feb ng dede ay parang nakalimutan nitong kailangan ng helmet ng b