"Saan ka galing?" late kasi itong umuwi. Tinatawagan ko pero hindi sumasagot. Kaya naghintay ako sa sala, at Inabutan nitong nanonood ng movie na about sa torture. Tamang-tama na ang eksena ay ginigilitan ng babae ang asawang naaktohang nagloloko. "Wife, na lowbat kasi ako. Kaya hindi ako nakasagot sa tawag mo." Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko. Akmang hahalin sa labi ko pero umiwas ako. "Iyong pinapanood ko. Iyong bidang lalaki ay nagsinungaling sa asawa n'ya. Nagpunta sa babae n'ya tapos nahuli." Itinuro ko ang TV kung saan naka-pause iyon kung saan nakamulat pa ang lalaki, habang tumatagas ang dugo. Mariing napalunok si Hunter. "Let me explain, wife." Nautal pa ang lalaki. "Okay. I'm ready to listen." "Pinasok ko ang isa sa mga planta ng mga Aguarde." "Tapos?" mahinaho