"Wala kang kasalanan, alam kong ginawa mo ang best mo para maipaabot agad sa amin ang information." Humigpit ang yakap ko rito. "P-atawarin mo pa rin ako." "Hindi kita patatawarin. Kasi wala kang kasalanan." "Ano nga palang sabi ni Hea? Alam na ba n'ya iyong tungkol sa atin? Nasabi mo na ba?" tanong ko rito. "Hindi pa. Makikiusap sana ako na ikaw na ang magsabi sa kanya. Natatakot akong magkamali ng mga detalye na gusto mong malaman n'ya." "Sige, ako na ang kakausap. Kumain ka na ba?" "Sa eroplano. Kumain na ako roon. Gusto ko na lang munang magpahinga." Ramdam ko nga ang pagod nito. Pero kahit pagod, nakuha pa rin n'ya akong buhatin patungo sa silid. Inihiga n'ya muna ako. Bago ito naghubad ng sapatos, saka pants n'ya. Boxer lang ang itinira. Kasi pati t-shirt ay tinanggal n'ya. Sak