Nakalimutan ko iyong nararamdaman kong pagkailang sa Kuya Columbus ko. Pero parang ito naman itong umiwas sa akin. May pagkakataon na nahuhuli ko itong nakatitig sa akin. Kapag nakita n'yang nakatingin na rin ako sa kanya, agad siyang nag-iiwas nang tingin. Kasalukuyan kaming naliligo ni Xepona. Ang suot naming mga cover-up at blouse ay tanggal na. "May possibility kaya na nakikilala ako ng kapatid ko, kaya gano'n siya kung makatingin?" conscious na tanong ko. "I don't know. Pero mas mabuti kung iwasan mo na lang din, tulad ng kanina pa n'yang ginagawa. Inilubog ko ang katawan ko sa tubig. Sinubukan ipatangay sa mga alon ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Nang pareho kaming mainit sa ginagawa naming paglangoyvay pareho kaming kumilos, umahon, at binalot muna ng robe ang hubad