"Hindi ko akalain na ikaw pa ang magiging dahilan para mapapayag ko si Escuevel." Nakangising ani ni Papa Silas pagkabalik ko ng mansion. Inihatid na lang ako ng tauhan ni Hunter. Dahil masyadong weird naman kung ito pa mismo ang maghatid sa akin. "Tell me... nakita mo ba ang mukha n'ya? Ginamit ka ba n'ya? Ano ang itsura n'ya?" "Pa, alam mo naman siguro na hindi matutuwa sina Mama Cora kapag nalaman ang ginawa mo?" nasa tinig ang disappointment na ani ko. "Hindi naman nila kailangan pang malaman, Lupita. Kapag nabawi ko na ang mag-iina ko ay kailangan mong itikom ang bibig mo sa kanila. Kung ano man ang ipinagawa ko sa 'yo at ginawa ni Escuevel sa 'yo ay wala kang sasabihin sa kanila. Naintindihan mo?" "O-po." Napayukong ani ko. "Magpahinga ka na. For sure napagod ka." Napangising a

