Naririnig ko pa rin ang putukan. Nakakahinga lang ako nang maluwag sa tuwing naririnig ko sa device na safe pa rin ang location nila Hunter. Sa bawat tauhan ni Silas Aguarde na tinututukan ko ng baril ay rumirehistro pa sa mukha nila ang gulat at iyong feeling na betray sila. Hingal na hingal na nakuha kong libutin ang maliit na Isla. Pero hindi ako nagtangka na pasukin ang lumang hotel. Hinanap ko si Silas. Nakita ko naman itong nagplaplano nang pumasok sa hotel. Kaya tumakbo ako at hinila ito pabalik sa motorboat. "Halika na, pa! Wala nang natira." Pinagtulakan ko ito para makasakay sa motorboat. Saka ako sumakay at pinatakbo palayo iyon. Wala naman na talagang natira sa mga tauhan nito. Siya na lang. Pero hindi pa siya pwedeng mamatay. Ang boring naman kung mamatay agad siya. Papala

