C-161

2231 Words

"Anak, nawawala ang kapatid mo." Iyon ang mensaheng natanggap ko kay mama. Parang kanina lang ay nagkausap kami nito. Ngayon ay may gano'n na siyang balita. "Wala si Columbus sa cruise. Nakaalis na rin ang cruise. Sa tingin ko'y sinadya n'yang bumaba. Hindi siya nagpaalam, anak." Tinawagan ko na agad si Mama Cora. Hindi pwedeng bumalik si Kuya Columbus ng Pilipinas. Masisira ang mga plano ko kapag nangyari iyon. "Ma?" "Anak, umiiyak ngayon dito si Luz. May inamin daw siya sa kapatid mo na sa tingin n'ya ay dahilan kung bakit umalis si Columbus." Inamin ba ni Luz? Possible. Iyon lang ang pwedeng dahilan kung bakit biglang nagdesisyon si Kuya na umalis. "Subukan n'yo pa ring hanapin sa cruise, ma. Tatawagan kita ulit mamaya." Pagkababa ko nang tawag ay si Xepona naman ang isinunod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD