"Anong balita? Natiyak n'yo bang patay? Sana'y inubos n'yo na silang lahat." Maingat akong sumandal sa pader. Sinubukan ko pang intindihin ang mga sinasabi ni Papa Silas sa taong nagre-report sa kanya. "Nakita n'yo ba kung may lalaking dumating doon na sa tingin n'yo ay si Hunter Escuevel? Bakit hindi n'yo hinintay na dumating? Wala akong pakialam kung mamatay kayo. Sana hinintay n'yo para nalaman n'yo kung ano ang itsura ng taong iyon." Gigil na ani ng matanda. Nagpabalik-balik nang lakad si Silas Aguarde habang nakadikit pa rin ang phone sa kanyang tenga. "Patay pareho iyong mag-asawa? Kumpirmado ba? Wala akong pakialam kong kontrolado ng mga Escuevel at El Calvo ang bansang iyan. Suicide mission? I don't f*****g care. Kailangan ko nang makilala si Hunter Escuevel. Hindi pwedeng wala a