"Naiayos ko na ang lahat ng mga kailangan mo, hija." Iginala ko ang tingin ko sa dating opisina ni papa na ginamit at inukupa rin ni Silas Aguarde ng ilang taon. Ang laki na ng pinagbago. Lalo na sa kulay at mga furniture. "Thanks, Fr. Felix." Tipid kong tugon. "Kailan mo balak pumunta ng Apolina?" "Bukas naroon po ako. May kailangan pa po akong ayusin doon." Maingat akong naupo sa swivel chair. Papagabi na. Pero wala pa akong balak umuwi kahit na tapos na ang office hours. "Hindi ka pa ba uuwi? Wala ka bang balak bisitahin ang asawa mo?" Marahan akong umiling. "Mas magiging komplikado po ang lahat kung magpupunta ako roon habang magulo pa ang buhay ko. Hindi ko pa kayang magmakaawa sa mama ni Hunter, habang may mga problema ako na dala-dala. Aayusin ko muna po ang lahat, tapos saka

