"Good morning, Papa Silas!" bati ko sa matandang nakagapos. Dahil gusto ko pa itong mabuhay ay ipinagamot ko pa rin naman ito. Narito kami sa isang lugar kung saan hindi papasok sa isipan ng lahat na narito siya. "Lupita, anak ko. Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi ako ang kalaban mo. Tanggalin mo na ang tali. Marami pa akong kailangan ayusin. Hahanapin pa natin ang mama mo at ang dalawa pang kuya mo. Pakawalan mo na ako rito." Iginala ko ang tingin ko. Narito kami ngayon sa Hacienda De Rama. Ilang silid ang pwede pang pagsilungan kaya rito dinala si Silas. Sina Xepona ang magbabantay rito. Habang abala ako sa siyudad. "Ako ang maraming dapat asikasuhin sa siyudad, Silas Aguarde. Ikaw ay mananatili muna rito. By the way ako na rin ang bahala sa mag-iina mo. Basta rito ka lang, okay?" "

