Dustin's POV "Anong pumasok diyan sa kukuti mo at pinag-iisipan mo kami ng masama ni Iris?" tanong sa akin ng tito kong kasing tanda ko lang naman. Habang ginagamot ng nurse ang kaniyang sugat sa kilay at labi. Pumutok yata iyon dahil sa suntok ko. Sa lakas ng suntok ko talagang putok ang labi at kilay niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, dahil sa galit ko ng madatnan kong magkalapit ang kanilang mga mukha ni Iris. Nawala ang galit ko nang makitang may dugo sa hita ni Iris. Mabuti na lang at nadala ko kaagad siya dito sa hospital kaya kaagad naagapan. Mabuti na lang ayos lang si Iris at ang dinadala niya. Kung may nangyaring masama sa kaniya or sa baby, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. "Aw!" napangiwi sa sakit si Drake dahil sa paggamot sa kaniya ng nurse. "S-sorry, Sir."

