" Ate, hindi ka ba masaya? Magkakaroon na tayo ng kapatid. Gusto ko boy para maglalaro kami ng car-car" masayang masaya na tanong ni Daniel sa ate niya. Hindi sumagot si Danica. "Alam ko na. Sinabi na sa akin ni Mamita. Kanina pa nga ako nagtatalon sa tuwa. Napagod na nga ako eh!" sa wakas napangiti din ito. Akala ko kasi ay alam na nito ang nangyari. "Hali nga kayo rito." Pinalapit ko silang dalawa. Sabay naman silang lumapit sa akin at niyakap ako. AFTER ONE DAY... Lumabas na ako ng hospital. Kasama ko sa van ang dalawang anak ko at si mum. Habang nagmamaneho si Dad. Wala si Kuya Hermes, kung nandito lang siguro iyon baka sinugod niya na naman si Dustin. Napagpasyahan kong dumiretso na muna sa bahay namin ni Dustin. Aayusin ko lang ang mga gamit ko pero aalis rin ako kasama ang mg

