Iris POV "Bakit kailangan natin magtago kay Daddy?" sigaw ni Danica na kaagad ko naman tinakpan ang bibig. Nandito kami sa underground sa bahay ng family ko. Nakiusap ako kay Mommy na huwag sabihin kay Dustin na nandito kami. Hindi niya rin alam itong underground kaya kahit anong halughog pa niya sa buong bahay ay hindi niya kami makikita. "Tsaka ko na ipapaliwanag sa 'yo." sagot ko tsaka ko sinulyapan si Daniel na panay na ang iyak. "I need to know right now, mom. Parang masamang tao si Daddy na kailangan natin pagtaguan. After all, he's still my daddy. You don't have to hide us from him. Sorry mom, pero kung may galit ka kay Dad huwag mo na kaming idamay ni Daniel, please... I need dad. Look at Daniel...he was crying because he wanted to see Daddy." pakikipagbangayan ni Danica sa

