"Punch me! Even if you kill me, I will not give or surrender, Iris and Danica to you!" sigaw ni Dustin na nagpakunot sa noo ng Kuya ko. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Kuya Hermes. Bigla akong nataranta ng kaagad na lapitan ni Kuya si Dustin. Baliw kasi! Bakit ba kasi iyon ang sinabi niya. Ginawa niya namang kontrabida yung kuya ko. "Are you willing to die for my sister?" nang makalapit kay Dustin ay agad na tanong nito. Nanatili akong nanunuod sa kanila. Hawak ko si Danica. Hindi na rin lumapit si Danica sa Daddy niya dahil siguro sa nakita niya. "Yes, I love your sister that much. I will fight for her even if I die." Napaawang ang labi ko ng marinig iyon mula sa mga labi ni Dustin. Nakagat ko ang aking lower lip. "Sigurado ka?" seryosong tanong ni Kuya dito. "101 perce

