Iris POV "Lumabas ka!" senyas lang pero naiintindihan ko ang ginawang pagsenyas ni Dustin. Nasa labas pala siya kaya siguro maingay kanina. Hindi man lang sinabi sa akin ni Kuya. Susubukan kong lumabas. Senenyasan ko rin ito. Kaya napatango siya at napangiti. Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Dahan-dahan naman ako sa paglalakad nang makarating sa hagdanan pababa. Baka marinig ni Kuya ang mga yapak ko kaya maingat kong inihakbang ang mga paa ko palabas. Nasa pintuan na ako nang marinig ang kaisa-isang hari dito sa bahay Walang iba kun 'di si Kuya. "Iris!" Natigilan ako at napako sa kinatatayuan ko. Parang nag-stop dance lang ang peg ko dito. Napahinto ng matigil ang music ngunit sa pagkakataong ito, boses ng kuya ko ang nagpahinto sa akin. "Saan ka pupunta?" Humanap ka ng palusot

