Kabanata 44 Artabalenia Reaper VS Iya Heather Iya JOURNAL: Smith and Wesson SWMP Spring Assisted Tactical Pocket Knife check Black Chrome Hand Gun check "Sigurado ka bang yan lang talaga ang dadalhin mo?" Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita mula sa kanang bahagi ko, si Ley lang pala. Sa bagay sino pa nga ba ang aasahan kung magtatanong sakin niyan? Alangan namang si Zach diba? Eh ni-hindi ko pa nga alam kung saang lumalop ng Pilipinas nasan yong mag-ama ko ih. "Hm. Yeah." Tipid na sagot ko naman sa kanya. "Iya, baka naman hindi ka na niyan makauwi ng buo dito? Nag-iba na si Anika, hindi na siya yung inaakala mong pabitch b***h lang na classmate natin." Ley "Ley, matagal ko nang alam yon pero ang hindi ko lang talaga magets bakit siya sumali sa Artabalenia Mafia? My kaaway b