Kabanata 43 Reign Cortez to Rain Reyes AC JOURNAL: Bago ang lahat balik na muna tayo don sa kwento ng Mama at Papa ni Reigh. Yon na nga ang sinasabi ko, nagkakamabutihan na daw ang Mama at Papa ni Reigh at mabilis naman yong nakarating kay Don Gostavo. Since hindi naman tayo naririnig ni Don Gostavo, tatawagin ko na muna siyang Grandpa for the meantime pero forbidden talaga samin'g mga Rivera na tawagin siyang 'Grandpa' kasi naman tinuturing niyang Diyos sa lupa ang sarili niya. Pinatawag agad ni Grandpa si Tito Gian para itanong sa kanya kung totoo ba yong kumakalat na bali-balitang nagkakamabutihan na talaga sila ni Tita Rheiny. Sa totoo lang kasi nung mga panahon na yon ayaw din ni Grandpa na magmahal si Tito Gian dahil baka daw magbago ang isip nito tungkul sa pagiging Mafia Heir