Kabanata 42 Rivera Mafia part. ii Sandrea JOURNAL: "Isa yong underground company para sa mga batang kinidnap nila ten years ago, don nila pinalaki yong mga batang babae na kinidnap nila at kasama na don ang kapatid mo, si Rain. Pinalaki nila ang mga batang babae na yon sa loob ng isang human tube na kung saan nakababad sa tubig ang buong katawan nila at kumakain sila sa pamamagitan ng isa pang maliit na tube na nakalagay sa bibig nila, kasama na din doon ang hangin. Sa ganoong paraan nabuhay ang kapatid mo sa loob ng sampung taon, Iya." Napangiti naman ako ng palihim. Haha. Hindi ko inaasahan na magiging madrama pala 'tong tagpong 'to, ng dahil sa pagkukwento ko umiiyak na si Iya. Ngayon nakikita ko na yong weak part niya eto na yong chance ko para unti-unti kong makuha ang loob niya