Palinga-linga si Vianna sa paligid nang ipasok ni Candor ang sasakyan sa isang makipot na daan. Isang squatters’ area iyon na nakalagay ay for demolition na. “Kuya, soon to be demolished na ito?” tanong niya sa bodyguard na nagmamaneho. “Sort of. Last year pa ito pero hinihintay pa ang malilipatan ng mga tao. Apat na skwaters ang ipadedemolish pero sisimulan lang kapag natapos na ang Kapit Kamay Libreng Pabahay. Ito ang kauna-unahang project ni boss nang maupo siya kaya mahal siya ng mga mahihirap.” “Wow.” Totoong namangha siya at hindi lang daang tao ang makikinabang, hindi lang daang pamilya at hindi lang daang kabataan ang may matitirhan nang maayos. “Kung hindi mo alam, first lady, isang bilyon ang perang binitawan ni boss sa KKLP na ipinatatayo niya, kasama si Mayor Montero pero w