Laking gulat ni Vianna nang dumating siya sa bahay ay nakahanda na ang mga maleta at mukhang may aalis. Mugtong-mugto ang mga mata niya sa kaiiyak pero hindi pa rin siya tumitigil. Abot-abot pa rin ang nerbyos niya dahil sa pagtakas nila sa media. Manaka-naka pa rin siyang humihikbi at parang naka-plaka ang nangyari kanina. Ano na ang mangyayari sa Papa niya? Nakita niyang nakabihis din si Harrison. Aalis na naman ba ito? “Daddy!” Nanakbo siya papalapit sa ama-amahan ay yumakap dito nang mahigpit. “Daddy, si Papa, kinuha nila si Papa! Ikukulong na naman nila ang Papa ko! Hindi siya kriminal! Hindi siya kriminal!” halos punitin niya ang damit nito pero haplos lang ito nang haplos sa ulo niya. Narinig niyang nag-ingay ang paligid kaya napalingon siya sa bintana, at mula sa kinatatayuan