They say, kapag may tiyaga, may nilaga pero sa resignation ay wala siyang nakuhang nilaga. Dumating na ang sagot doon at hawak niya sa kamay niya. Hindi siya pinayagan na mag-resign. Wala raw siyang sapat na dahilan para iwan ang posisyon niya. Sige, it’s fine. He’ll accept the decision but being a governor will be last political career of his life. Hindi na siya lalaban ulit at hindi na siya magiging Presidente. Wala na siyang balak dahil may iba na siyang goal sa buhay. “Bossing, nand’yan na ‘yong tatay ni First lady.” Ani Justin sa kanya kaya tumango siya. Nakita niyang umakyat na sa eroplano si Ehthan, may dalang bag at envelope. Parang nagmadali iyon at medyo naalangan nang makita siya. “Get in.” Aniya para makaalis na sila. Hindi lang niya sinasabi pero kating-kati na siya na m