Hays… Uminat si Vianna sa kama, salat ang nguso niya. Bakit ang kapal ata? Baka kinagat siya ng langgam sa labi. Ang pangit pa naman kapag sa labi kinakagat dahil mahapdi at ang tagal humupa. Kapa niya ang salamin sa ibabaw ng mesita ay natilihan siya. Bakit parang may tao? Agad siyang napabalikwas sa kama at talagang nanlaki ang mga mata niya. May nakaupo sa beanbag, sa harap ng kama niya. Si Brandon. Muli niyang kinusot ang mga mata tapos ay humilata siya. She closed her eyes. Baka tulog pa siya at nananaginip. Oo, hiniling niya na managinip siya at natupad nga, pero bakit parang totoo? Bumangon siya ulit. Nandoon pa rin ito sa upuan, natutulog. Dahan-dahan siyang bumangon at hindi gumawa ng ingay. Lumapit siya at pinakamasdan ang mukha nito. Humihilik ito, nakalugay ang kulot na