bc

THE BILLIONAIRE'S YOUNG STEP-MOTHER

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
age gap
stepfather
heir/heiress
drama
lies
like
intro-logo
Blurb

Si Lavender ay biglang ikinasal sa bilyonaryong si Don Ismael. Binatikos siya, hinusgahan at pinaratangan. Subalit nanindigan si Don Ismael na protektahan si Lavender. Tinuruan din ni Don Ismael si Lavender na maging matapang, matalino, palaban at maging matatag. Para pagdating ng araw ay kaya na nitong ipagtanggol ang kanyang sarili without the help of anyone. Then, suddenly Don Ismael died and Lavender shuttered into pieces. At hindi lang iyon, dahil kakaharapin niya ang apat na anak ni Don Ismael na nagbabalik. Magagawa ba kayang maipagtanggol ni Lavender ang sarili sa mga taong nais siyang pabagsakin ngayong wala na si Don Ismael? Papaano niya haharapin at pakikitunguhan ang apat na anak ng Don? Mahahanap kaya niya ang hustisya para sa kanyang asawang namayapa? Ano nga ba ang buong kwento sa likod ng pagpapakasal nina Lavender at Don Ismael sa kabila ng napakalaki nilang agwat?

chap-preview
Free preview
C-1: To Survive
HUMAHANGOS na tumatakbo ang isang dalaga, basang-basa sa ulan ang buong katawan nito. Sa bawat patak ng ulan na bumabasa sa kanya ay sumasabay din ang kanyang mga luha sa paglalaglaga. Kailangan niyang mabuhay hindi siya puwedeng mahuli ng mga taong humahabol sa kanya. Kalakip ng mataimtim na dasal ang bawat pagtakbo niya sa madilim na kalsada. Biglang umalingawngaw ang mga putok at napasigaw ang babae. Nadapa ito sapagkat ang buong katawa niya ay nanginginig hindi dahil sa lamig, kung hindi dahil sa takot niyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Kung hindi siya mabubuhay paano niya mabibigyan ng hustisya ang kanyang mga magulang, kapatid, Lola at Lolo? Pilit binanggit ang babae nagpatinag ito sa kanyang pagtakbo. Ramdam nito ang kirot ng kanyang sugat dahil sa tama niya ng baril. Nang may makita siyang eskinita ay agad itong nagtungo doon at sumiksik sa mga basurahan. Pigil ang hininga, pinakiramdaman ang paligid niya dahil malapit na ang kanyang mga kaaway. "Saan siya nagpunta?" Narinig ng babae na tanong ng isang humahabol sa kanya. Tutop niya ang sarili nitong bibig takot na makagawa ng kahit konting ingay. "Buwisit! Hindi siya puwedeng makatakas lagot tayo kay Boss!" Mura naman ng isa. "Hanapin natin! Huwag tayong titigil nariyan lang siya, hindi iyon makakalayo sapagkat may dalawang tama siya ng baril." Turan naman ng isa. Maya-maya pa'y biglang tumahimik ang paligid. Dahan-dahang sumilip ang babae sa giwang ng nasa kanyang harapan. Nanginig ang mga kamay nito at nanghihina na siya sa dami ng dugong patuloy na nawawala sa kanya. Nang makitang wala na ang mga humahabol sa kanya ay pagapang siyang lumabas mula sa kanyang pinagtataguan. Inipon niya ang buo nitong lakas upang makatayo at muling tumakbo mula sa lugar na iyon. "Javier watch out!" Biglang sigaw ni butler Fabian sa driver. Bigla kasing may sumulpot na babae sa daanan, umiwas naman si Javier subalit huli na ang lahat. "Damn it, Javier nakabangga ka!" Bulalas ni Don Ismael. "Patawad po Don Ismael iniwasan ko naman kaya lang huli na po." Tarantang sagot ni Javier. Hindi na umimik pa si Don Ismael dahil mabilis na silang nakababa ni butler Fabian kasama ang dalawa pang bodyguard nito. Sumunod ding bumaba si Javier upang tiningnan ang nabundol nitong babae. "God, she's bleeding!" Bulalas ni Don Ismael po pagkakita nito sa babae. Agad na binuhat ito ni Fabian upang maisakay sa loob ng sasakyan. "Bilisan mong mag- drive Javier kailangan madala natin sa hospital ang babae." Agad na utos ng Don sa driver. Agad namang tumalima si Javier at pinasibad na nito ang sasakyan. Noon napansin ni Fabian na maraming galos ang babae at duguan, may bumundol sa isipan nito. "Don Ismale mukhang hindi sa kanyang pagkakabundol ang grabeng pagdurugo niya." Baling ni Fabian sa Don. Nagitla ang Don at tumingin din ito sa babaeng wala ng malay. It's true, suspicious ang pagiging dami ng dugo sa katawan ng babae. "Theo, check her!" Utos ng Don sa isa niyang bodyguard. Tumalima naman si Theo at sinuri nito ang katawan ng babae without malisyoso. Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa natuklasan ni Theo. "May dalawang tama siya ng baril, mukhang tinorture din siya Don Ismael." Sabi ni Theo. "My goodness, who are you?" Wika ng Don habang nakatitig sa maamong mukha ng babae. Kay bilis nilang nakarating sa hospital at agad na inasikaso ang babae dahil emergency na iyon. "Kaano- ano mo ang babae Sir?" Tanong ng Doktor na attending physician ng babae. "I don't know her! We only saw her on the road," sagot ni Fabian. Hindi nila pinababa ng sasakyan si Don Ismael malaking tao ito at kilala sa lipunan. Tanging sina Fabian at Theo ang bumaba para sa babae kung sakaling maghanap ang Doktor ng nagdala sa babae doon sa hospital. For safety precautions din na hindi nagpakita si Don Ismael mainit ang mata ng mga press. "Maybe it's a hit and run," sabi naman ni Theo. Umiling ang Doktor. "No, she's not. According sa examination ko sa kanya, nagtamo siya ng dalawang bala ng baril. Sa tiyan at sa likod, good thing hindi siya nawalan ng dugo. Pero kailangan niya pa ring masalinan para mas Mabel siyang maka-recover. At good thing ulit dahil ang kanyang gun shots ay hindi grabe, baka salvage ang nangyari." Paliwanag ng Doktor. Nagkatinginan naman sina Fabian at Theo iisa ang nasa isipan ni g dalawa. Hindi ordinaryong babae ang kanilang dinala sa hospital marahil isa itong anak ng negosyante. "Sandali lang Dok, may kakausapin lang kami. Puwede bang mag- iwan na lang kami ng phone number para tawagan niyo kapag nagkamalay na siya?" Wika ni Fabian. "Sige," pagpayag naman ng Doktor. Ibinigay naman nina Theo at Fabian ang phone number ng emergency hot line ng Mansyon. Ibinilin na lang nila sa hospital ang babae at agad na nag-iwan sila ng malaking pera para sa operasyon. Kailangan na nilang maiuwi si Don Ismael gabing - gabi na at kay lakas ng ulan pati kidlat. "Anong sabi ng Doktor?" Agad na tanong ni Don Ismael sa dalawa nang nakabalik na ang mga ito sa sasakyan. "Confirmed Don Ismael, nabaril nga siya marahil tumakbo at tumakas kaya siya nagkaganoon." Sagot ni Theo. Napaisip naman si Don Ismael. "Pakiwari namin ni Theo hindi siya ordinaryong babae," sabi naman ni Fabian. "Kung ganoon, sino siya?" Naguguluhang tanong ng Don. Nag-kibit balikat naman sina Theo at Fabian saka lumulan na sa loob ng sasakyan. "Tawagan mo si Neri, sabihin ang nangyari at magtalaga ka ng magbabantay sa babae pansamantala. Nakuha niya ang attention ko, kailangan nating malaman kung sino siya." Bilin ni Don Ismael kinalaunan. Tumango-tango naman si Fabian at agad niyang tinawagan ang kanilang private investigator na si Neri. Agad nitong sinabi ang mga bilin ni Don Ismael na agad din nitong pinayagan ni Neri. Ganoon kabilis at katapat ang mga tauhan ni Don Ismael. Kaya makailang ulit man nila itong pabagsakin ay hirap na hirap ang mga kalaban nila. Lalong- lalo na ang mga sakim sa negosyo, kasikatan at kapangyarihan. That's why hindi nanatili ang mga anak ng Don sa kanyang poder dahil ayaw niyang madamay ang mga ito sa magulong mundo ng alta sociedad sa kanilang lugar. "Baka bukas na bukas Don Ismael puputok ang balita tungkol sa babaeng nabundol natin." Wika ni Theo nang makarating na sila sa Mansyon. "Sana nga para makilala natin kung sino siya," sagot ng Don. Maya-maya pa'y naagaw na nang television ang atensyon ni Don Ismael. "Just in, pamilya Ibañez hinihinalang namasaker ang buong pamilya. Ngunit nag- iisa nitong anak na dalaga nawawala," iyon ang sinabi ng reporter sa television. Naningkit ang mga mata ni Don Ismael na lumapit pang maigi sa television. Kinilala ang mukha ng babaeng anak ni Miguelito Ibañez pamilyar iyon pero hindi siya sigurado. "Theo, Fabian look at that girl she looks familiar hindi ba?" Sabi ng Don. "Oo Don Ismael kung hindi ako nagkakamali siya ang babaeng nabundol natin." Sagot ni Theo. "Sigurado ba kayo?" Paniniyak pa ng Don malabo na talaga ang mata ng isa nang tumatanda na. "Hindi man kasing kinis niya katulad ng nasa larawan ay magka-sing hawig naman sila." Turan ni Fabian. "Kung ganoon, dagdagan ang bantay ng babae sa hospital. Bukas na bukas din ay ililipat siya sa pagmamay- ari kong hospital para matiyak ang kanyang kaligtasan." Bilin ng Don. "Subalit bakit niyo siya pinoprotektahan Don Ismael?" Nagtatakang tanong ni Theo. Tumingin naman si Fabian kay Theo. "Marami ka pang hindi nalalaman Theo, pero malalaman mo din kinalaunan." Makahulugang turan ni Fabian. Hindi na umimik pa si Theo at nagtanong alam nitong malalaman din niya kung bakit. At kung sino ang babaeng gustong protektahan ni Don Ismael mula sa kaaway ng pamilya nito kung meron man.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King [updated daily]

read
267.3K
bc

Too Late for Regret

read
156.3K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.3M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.0M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
98.6K
bc

The Lost Pack

read
102.7K
bc

Revenge, served in a black dress

read
97.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook