Kinabukasan. Mabilis na nailipat sa pagmamay- ari na hospital ni Don Ismael ang babaeng iniligtas nila kagabi. At kalat na kalat na sa buong social media ang pagkaka-m*****r ng buong pamilya Ibañez, at patuloy din ang paghahanap ng mga pulis sa posibleng only survivor ng pamilya. Hindi nakikialam si Don Ismael kahit pa alam niya kung nasaan ang dalaga, may gusto kasi itong tuklasin bago ito makisawsaw sa nasabing kaso.
"Theo, nagawa niyo na ba ang isa ko pang bilin?" Tanong ng Don sa isa niyang bodyguard pagkarating nito.
"Opo, Don Ismael tapos na." Sagot ni Theo.
Tumango-tango si Don Ismael. "Good! Kailangang tayo lang ang makakaalam kung nasaan ang babae. Mamaya pupuntahan ko siya, I heard nagkamalay na siya!"
"Iyon nga ang itinawag ni Dok Alvin, nagkamalay na daw siya pero hindi nagsasalita." Turan ni Theo.
"Maybe, she's in shock pa rin kailangan niya nang karamay." Tugon ng Don.
"Natumbok niyo, Don Ismael!" Wika ni Theo.
Kapagkuwan nagpaalam na si Theo kay Don Ismael para ihanda ang gagamitin nilang sasakyan. Kailangan nilang siguraduhing nasa magandang kondisyon ang sasakyan bago nila isakay ang Don for safety precautions. Mahirap na at mas maganda ang nakasigurado sa kaligtasan ng kanilang mabait na Amo.
Hospital. Strictly prohibited ang kwarto ng babaeng nailigtas nina Don Ismael. Ito ang bilin ng Don sa hospital, siya lang ang allowed na makakapasok doon. Mahigpit din ang security ng nasabing babae, hindi man gumagalaw ang mga kalaban pero alam ng Don na nagmamatyag ang mga ito sa may hindi kalayuan. Kaya inunahan na ng Don ang mga ito bago pa sila sumalakay kailangan nitong ma-protektahan ang babae.
"I'm glad you're awake. I guess, kilala mo ako hija!" Maalumanay na sabi ng Don pagkatapos nitong maupo sa tabi ng tulalang dalaga.
Marahang lumingon ang babae kay Don Ismael, napakurap-kurap ito kapagkuwan ay bigla na lang itong umiyak.
"Don't cry, walang maitutulong ang pag- iyak mo sa problemang kinahaharap mo ngayon Lavender. Am I right?" Pagpapatahan ng Don.
Napahikbi ang babae subalit tumango naman ito.
"Huwag kang matakot, kakampi mo ako hindi kalaban." Sabi pa ni Don Ismael upang mapalagay ang loob ng dalaga sa kanya.
Kagyat na napatitig ang dalaga sa mukha ni Don Ismael, parang binababasa nito ang nilalaman ng isipan ng Don.
"It's okay kung ayaw mo pang magsalita, magpagaling ka na muna. About sa iyong safety, rest assured okay ka dito ako ang may-ari ng hospital na kinaroroonan mo." Saad ng Don.
Napapikit ang dalaga at muling nagmulat, mas pinakatitigan niya pa si Don Ismael.
"Kayo nga," mahinang sabi ng dalaga.
Napakunot-noo si Don Ismael. Hindi niya masyadong naiintindihan ang ibig sabihin ng dalaga.
"Anong ako nga?" tanong ng Don.
Napalunok ang dalaga.
"Kayo nga ang nasa ibang listahan na ibinigay ni Daddy sa akin." Mahina pa rin ang boses ng dalaga.
Napatuwid nang upo si Don Ismael bigla siyang mas naging interesado sa daloy ng usapan nila ng dalaga.
"Come on, Lavender speak out it's safe to me." Pag-udyok ng Don.
Huminga nang malalim si Lavender at marahan nitong kinuha ang kwintas niya sa leeg. Sa nanginginig nitong mga kamay ay binuksan niya ang locker ng pendant sa kwintas. Mula doon ay may usb itong kinuha at iniabot sa Don na takang-taka ang mukha.
"Usb?" Bulalas ng Don.
Tumango si Lavender saka napapapikit muli dahil nahihilo na naman ang pakiramdam nito.
"Ito ba ang hinahanap ng mga taong pumaslang sa pamilya mo?" tanong ng Don.
Sukat doon ay muling napaluha si Lavender yumugyog ang mga balikat nito. Ang impit niyang mga hikbi ay nagkaroon ng mga tinig. Mabilis na niyakap ng Don ang dalaga at pilit na pinapakalma ito sa pamamagitan ng kanyang paghaplos sa likuran nito.
"Shhhh! Kalimutan mo muna ang mga nangyari, I'm sorry for being prank. Bilisan mong magpagaling, I will watch the content of this usb then kakausapin kita ulit Lavender. Rest assured, nasa mabuti kang mga kamay kasama na ang usb na ito." Pang- aalo ng Don.
Hindi umimik si Lavender pero mahigpit din itong yumakap sa Don. Ang mga hikbi nito ay unti- unting humina sa pagdaan ng minuto habang magkayakap sila ni Don Ismael. Hanggang sa tuluyan nang kumalma si Lavender sinamantala naman iyon ng Don upang magpaalam na nang sa ganoon ay makapagpahinga na ang dalaga.
"Kumusta ang pakikipag-usap mo sa babae, Don Ismael?" Tanong ni Butler Fabian nang nakabalik na ang Don sa loob ng sasakyan.
Bumuntonghininga si Don Ismael.
"This is a big cope, Fabian. A big trouble and big problem, at kailangan nga niya nang malakas na back up! Especially, dawit ang pangalan ko sa nangyaring ito," sagot ng Don.
Sabay na napakunot-noo sina Fabian at Theo na sabay pang nagkatinginan.
"Anong ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Fabian.
"Malalaman natin kapag napanood na natin ang nilalaman ng usb na hawak ko." Walang gatol na sabi ng Don.
Lumipat ang tingin nina Fabian at Theo sa ipinakitang usb na hawak ni Don Ismael.
"Saan niyo nakuha 'yan Don Ismael?" curious na tanong ni Theo.
"Kay Lavender, katunayan marami pa sana akong gustong malaman at itanong sa kanya but it's not the right time yet. Kailangan muna niyang magpahinga at magpagaling," Saad ng Don.
Napatango-tango naman sina Fabian at Theo hindi na sila nangahas pang magtanong kay Don Ismael at malalaman din naman nila ang lahat-lahat soon. At ang kailangang gawin nila ulit ngayon ay mas pag-igtingin pa ang security ni Don Ismael upang mas matiyak ang kaligtasan nito. Lalo Pat damay pala ang pangalan nito sa dahilan ng pagka-patay ng buong pamilya Ibañez.
Pagkabalik ni Don Ismael sa Mansyon ay agad itong nagkulong sa may library room. Gusto niyang mapanood munang mag-isa ang nilalaman ng usb na ibinigay ni Lavender sa kanya. Pagkatapos ay ipapanood niya sa kanyang mga tauhang pinagkakatiwalaan niya. Pagkatapos ipasak ni Don Ismael sa laptop ang usb ay prente itong umupo sa swivel chair at itinuon ang mga mata nito sa screen.
"Naalala ko lang Mang Fabian, hindi ba ang pamilya Ibañez ay kasosyo ni Don Ismael sa negosyo? At hindi lang iyon, matalik na magkaibigan dati ang Don at ang haligi ng tahanan ng mga Ibañez?" Tanong ni Theo nang silang dalawa na lamang ni Mang Fabian sa may kubo malapit sa hardin.
Bumuntonghininga naman si Mang Fabian at tumingala sa langit.
"Naalala mo pala kahit bata ka pa noon, sayang nga lang at nalihis ang landas ni Mr. ibañez." Malungkot na sagot ni Mang Fabian.
Napakunot-noo naman si Theo.
"Parang naalala ko na din ang nag-iisang babaeng anak niya. Could it be si Lavander na 'yon?" Bigla nitong tanong.
Napatitig naman si Fabian sa mukha ni Theo at sinalat ang noo ng binata.
"Bakit?" Takang-taka ang binata sa ginawa ni Fabian.
"Akala ko may lagnat ka na, nakapagtataka kasi ang daldal mo ngayon." Ani Fabian.
Napakamot naman si Theo sa sarili nitong ulo at napainom sa hawak nitong energy drink. Nakuha ni Theo ang ibig sabihin ni Fabian kung kaya't iniba na nito ang kanilang usapan. Kapag narinig na kasi ang salitang daldal sa loob ng Mansyon ni Don Ismael ay nangangahulugang you have to zip your mouth right away na. Ganoon kahigpit ang rules sa Mansyon ni Don Ismael pero para naman sa safety precautions ng lahat na nakatira doon. Lalong-lalo na kay Don Ismael subalit napakabait ng Don, wala kang maipipintas sa ugali nito. Kung kaya't lahat ng mga tauhan ni Don Ismael ay tapat kung maglingkod sa kanya dahil sa sobrang kabaitan nito at pagmamalasakit sa kanyang kapwa.