LAHAT NG appointment ni Don Ismael ay pinakansel niya sa kanyang personal secretary. Nagtataka man sina Fabian at Theo ay hindi nila tinanong ang Don. Nagbilin kasi ito na pupuntahan nila ang dalagang iniligtas nila kamakailan lang. At kahapon pa ng gabi seryoso si Don Ismael at hindi ito palaimik hindi katulad ng dati. Nagtataka man sina Fabian ay hindi nangahas ang mga ito na tanungin ang Don. Kilala nila ang kanilang Amo kapag ganoon ang kilos nito ay alam mong mabigat at delikado ang kinasusuungan nitong ano mang sitwasyon.
Ilang sandali lang ay narating na nila ang hospital. Nagbilin si Don Ismael na wala munang papasok sa loob ng kwarto maski mga Doktor. Pero si Fabian ay isinama ni Don Ismael sa loob ng kwartong kinaroroonan ni Lavender.
"How are you hija? Three days akong hindi nakapunta sa'yo naging busy lang." Sabi agad ni Don Ismael sa dalaga nang makapasok na sila sa loob ng kwarto.
Napatingin si Lavender kay Butler Fabian medyo nag-aalangan ang mukha ng dalaga.
"It's alright hija, kanang kamay ko siya wala kang dapat na ipag-alala." Pagpapakalma ni Don Ismael sa nag-aalalang mukha ni Lavender.
Nakahinga naman nang maluwag si Lavender at kimi itong ngumiti. Nagseryoso naman ang mukha ni Don Ismael nang makaupo sila ni Butler Fabian sa harapan ni Lavender.
"Napanood ko na ang laman ng usb, tanong ko lang are you aware sa kinasangkutan ng Daddy mo?" Tanong ng Don.
Napatitig si Lavender sa mukha ni Don Ismael parang nag-alinlangan pa itong sagutin ang tanong sa kanya.
"Look, Lavender hindi ka makakausad kung ayaw mong makipag-cooperate sa akin. Gusto mong mabigyan nang hustisya ang nangyari sa pamilya mo hindi ba?" Maalumanay na tanong ulit ng Don.
Marahang tumango si Lavender subalit naiiyak na naman ito. Napabuga nang hangin si Don Ismael awang-awa siya sa totoo lang kay Lavender subalit kinakailangan nitong maging mats sapagkat nagsisimula pa lamang ang tunay nitong laban.
"You have to be strong, sa sitwasyon mo ngayon kailangan mong makabangon agad. Alam kong matapang ka, kailangan kong makita iyon ngayon Lavender. Nakahanda akong makinig," sabi pa ng Don.
Napayuko si Lavender nilaro- laro nito ang sariling mga daliri.
"Ang...alam ko, my Dad was very busy not until one day he told me to...to go somewhere else. It's a bit weird.. and kita ko kung gaano siya kabalisa. Then..one night nagkasagutan sila ng Mommy about sa grupong kasama si Daddy." Pahinto- hintong bigkas ni Lavender na may kasamang nginig sa boses nito.
"Hindi ko naiintindihan but...si Mommy galit na galit that night. Kinabukasan, umalis kami ng bahay we went sa bahay ng Lolo ko then we stayed there for one week. But my Kuya naiwan kay Daddy then Mommy decided to go back home with our bunso. Nasa..party ako that time kaya sabi ko susunod ako sa kanila pauwi. And..and..-" patuloy na sabi ni Lavender pero pumiyok ito sa dulo sabay kagat sa labi nito.
Binigyan ni Butler Fabian ng bottled mineral water si Lavender. Uminom naman ang dalaga saka ito humugot nang isang malallm na hininga.
"And then?" Tanong ni Don Ismael.
"And then.. pag- uwi ko may sasakyang naroon sa bahay tatlo pero hindi pamilyar sa akin. Nagulat ako kasi mga security guard namin nakahandusay na. Instead of running, nag- worry ako kina Mommy kaya tumuloy pa rin ako sa loob ng bahay. There...n-nakita ko- si Kuya ko...he's not breathing sa may bungad ng maindoor! As if, he's tried to runaway!" Luhaan na si Lavender, humihikbi na ito.
Napabuntong-hininga naman si Don Ismael at napatingin ito kay Fabian. Damang- dama ng dalawa ang sakit na narararamdaman ni Lavender sa mga oras na nangyari ang karumal- dumal na krimen sa kanilang pamilya.
Napasinghot si Lavender. " After I panicked, I...I entered the sala at..at nakita ko si Mommy wala na ding buhay! Hinanap ko si bunso pero hindi ko makita...not until I saw my Daddy kneeling on the ground, begging, crying not to harm he's entire family. Gusto kong lumapit.. but Dad saw me yelling to me and keep saying to run! I hesitated but when they shoot him, doon ako napatakbo nang mabilisan. Pero habang tumatakas ako... hindi mawaglit sa aking isipan kung nasaan ang bunso namin!" Nanginginig na kwento ni Lavender.
Parang nadurog ang puso ni Don Ismael sa nakita nitong laking impact kay Lavender ang nangyari sa pamilya nito. Walang Amang makikita na sobrang nasasaktan ang kanyang anak.
"You are strong Lavender and yet a genius tama lang ang ginawa mo. Ang bunso niyo ay nasa pangangalaga ng Lolo at Lola mo, ayon sa source ko nasa ibang bansa na ang kapatid mo." Sabi ni Don Ismael habang inaalo nito ang dalaga.
Sukat sa sinabi ni Don Ismael ay biglang nagliwanag ang mukha ni Lavender.
"Totoo po?!" Hindi makapaniwala ang dalaga.
Marahang tumango si Don Ismael.
"Nang malaman nila ang nangyari, agad na itinago nila ang kapatid mo. At hanggang ngayon ay hinahanap ka nila," anito.
"W-Wala kayong pinagsabihan kung nasaan po ako?" Utal na tanong ni Lavender nang mapatitig ito sa Don.
"Wala. At kung ginawa namin sana na ipinaalam kung nasaan ka marahil tumatakas ka na naman sana ngayon mula sa mga gustong pumatay sa'yo. Hindi bale ang kapatid mo, bata pa siya at walang alam malamang hindi nila ito hahabulin. Pero ikaw, hindi lang nasa tamang edad ka dahil nasaksihan mo ang lahat. Nakita mo ang mga nangyari kaya kailangang mawala ka din para walang magiging tinik sa kanilang mga lalamunan." Paliwanag ng Don.
Napakurap-kurap naman si Lavender.
"I'm not aware sa kinasangkutan ni Daddy pero bago niya ako ipinagtabuyan he gave me the usb at ang kanyang diary." Sabi nito.
"Where is the diary?" Mabilis namang tanong ni Don Ismael.
"Naiwan ko kina Lola, sa aking maleta dahil nga magbabakasyon ako sa abroad. Sumunod lang ako kina Mommy sa bahay para magpaalam sana ng personal kay Daddy. Hindi ko pa lahat nabasa ang diary pero may nabasa po ako doon in case of emergency, ay pupuntahan ko si Don Ismael Del Castillo at may larawan po kayong nakaipit doon." Saad ni Lavender.
Napatango-tango naman si Don Ismael, alam na ng Ama ni Lavender na may masamang mangyayari kaya pinaghandaan na nito. Ang hindi lang siguro napaghandaan ng Ama ni Lavender ay ang pagbabalik ng asawa nito that night. Kung hindi biglang bumalik ang Ina ni Lavender marahil ay buhay pa ito ngayon.
"Gusto ko po silang makita," gumaragal na naman ang boses ni Lavender.
"Alam ko hija but for the mean time magpagaling ka muna okay? Alam kong gusto mo silang makita kahit sa huling pagkakataon lang!" Awang-awa na tugon ng Don.
Sukat doon ay napayakap si Lavender kay Don Ismael.
"Marami pong salamat at hindi po kayo isa sa gustong manakit sa akin." Umiiyak na namang sabi ng dalaga.
"Tahan na, makakasama sa'yo ang laging pag-iyak hija. Bilisan mong magpagaling para makakaya mong harapin ang bukas. I promise that I will help you hanggang sa makuha mo ang hustisyang para sa iyong pamilya." Matapat na wika ni Don Ismael habang hinahagod nito nang haplos ang likod ng nakakaawang si Lavender.
"Ang bait niyo po sa akin, kaano- ano niyo po ang Daddy ko?" Hindi napigilang itanong ni Lavender.
Inilayo naman ni Don Ismael ang katawan ni Lavender at nakangiti nitong tinitigan ang mukha ng dalaga.
"Malalaman mo din soon," matalinghagang sagot ng Don at pinunasan nito ang pisngi ng dalaga na basa na ng luha.
Kahit papaano ay ngumiti na din si Lavender at muli itong nagpasalamat kay Don Ismael.
"Babalik ulit ako bukas Lavender at may kasunduan tayong sasabihin ko sa'yo. You have to be wise and smart, para ito sa pamilya mo." Sabi pa ni Don Ismael.
Napakunot-noo naman si Lavender naguluhan ito sa sinabi ng Don.
"Huwag mo munang isipin ang sinabi ko just rest here. Para bukas mas malinawag ang iyong isipan sa muli nating pag- uusap. Kaya, buweno aalis na muna kami ni Fabian." Muling wika ng Don sabay tayo.
"Sige po mag-iingat kayo," sagot na lamang ni Lavender na wala ng nagawa pa kahit gusto pa niyang kausapin ang Don.
Muling tinanguan ni Don Ismael at pagkatapos ay niyaya na nito si Fabian na lumabas ng kwarto. Pagkalabas ng kwarto nina Don Ismael at Fabian ay muling napaiyak si Lavender. Ang sugatan nitong puso ay muling nanaghoy, gustong -gusto na nitong makita ang kanyang pamilya. Kahit pa alam niyang hindi na niya makakapiling ang mga ito kailan man. At sa kanilang bunso, laking pasasalamat niya sa Poong Maykapal dahil hindi ito nadamay sapagkat kapag nagkataon ay wala na ding saysay ang kanyang buhay.