Chapter 4//

1157 Words
Chapter four KAE’S POV’S Pag uwi namin sa bahay ni Jairus, hindi ko maiwasan hindi iopen yung topic about dun sa sulat na natatanggap niya Nakadalawang sulat na sya kaya nakakabahala na Ewan ko ba sa sarili ko, ayoko kase ng ganito yung walang kasiguraduhan kase naman yung utak ko ang daming ugat kasing dami din nun iniisip ko kapag walang sure na sagot sino ba naman kase ang hindi matrautrauma sa mga pinagdaanan ko noon, kaya ayoko na maulit lalong lalo na ngayon dalawa na anak namin Pagkatapos pumasok sa kwarto ni Kit, kasabay namin sya umuwi, kase sinundo din namin sya after school Pagkapasok namin ng kwarto ni Jai inopen ko kaagad yung topic na yun, nakakacurious naman kase kung sinong nilalang ang may kagagawan nun “Jai ano ba balak mo sa nagpapadala ng letter sayo?’ “Ipapakagat ko kay Michigo” hindi ako nakikipagbiruan! “...........” “Kidding” “Nakakatakot na kase, nakadalawa na” “Its just a prank, may nantritrip lang siguro satin kaya ganyan” lumapit sya saken and he cupped my face “ Smile my love, hindi ko kayo hahayaan na mapahamak” bakit ang pogi ng asawa ko nakakawala ng kaba “Pano kung totoo?” “Ang alin?” “Na nasa panganib si Prince, magkadugo kayo, alangan hindi mo sya iligtas, natatakot ako” “I will save him, kung totoo nga, he’s important, but my family is my priority” “Wag lang madamay ang mga bata” “Yan ang hindi ko papayagan mangyari” “Okay lang na ako, wag lang yung dalawa” “Isama mo na din si Michiego dyan” “Ano ba,  bakit saling pusa yang pusa mo” “Hahahahaha” Mahal na mahal talaga niya yung pusa niya, sabagay ginagawa na nga niyang parang tunay niyang anak yun, minsan katabi pa niya matulog sa tanghali, ganyan kaadik si Jairus sa pusa kung naliligawan langang pusa baka yan na naging jowa niya Cat lover yan, pati ibang pusa sa labas minsan pinapakain niya. “Ayoko lang pag usapan ang mga bagay na hindi dapat mangyari” bigla syang naging seryoso “Mahirap naman kase ang hindi handa Jai” “I wont allow it to happen” “Hindi naman natin hawak ang mga mangyayare, ang point ko lang gusto ko maging ready din tayo, lalo nat ayan, may mga sign na binibigay sayo, yang mga sulat na yan” Hindi sya makaimik, hays, ano ba to nagnenega nanaman ako, nakakainis naman kase, bumabalik ang kaba ko, natatakot ako sa mga mangyayare “Mommy?” bukas pala konte yung pinto naming, lumapit si Kit sa amin mukang rinig niya mga usapan naming ni Jairus Hawak hawak niya si Keanna sa kamay habang palapit sa amin ni jairus, umakyat naman si Keanna sa kama at tuwnag tuwang naglaro dun ng unan Habang si Kit “May mga bad guys nanaman ba?” nagtinginan kami ni Jairus sa tanong ni Kit Alam ko naaalala at natatanda niya pa ang ibang pangyayare noon, at naiintindihan na niya paunti unti ngayon. Ganun naman ang ibang bata minsan, mga bagay noong bata pa sila, binabalikan nila at iniintindi ngayon na medyo lumalaki na sila. Hindi pa man gaano katanda si Kit ngayon pero nag matured na ang isipan niya dahil na rin noong nabuntis ako kay Keanna, medyo sinanay naming siya ni Jairus sa ibang bagay “No anak, walang ganun” “But you two are talking about someone in danger” mukang narinig nga niya “We’re talking about a scene in a movie” sagot ni Jai “Na ah don’t lie daddy idol, its not about the movie I think?” malaki na talaga ang anak ko hindi na sya nauuto ng daddy niya “Yes it is” pinanindigan ni Jai yung sinabi niya kaya mo yan Jai ayoko na sumabat baka mas lalong hindi maniwala anak ko “Don’t be scared Kit, daddy will not allowed a bad guy to hurt you” sabi ko Mukang may trauma si Kit sa mga nangyare noon, sa daddy love niya na namatay, sa mga kung ano anong nasaksihan niya na nangyare saken kaya sya nagtatanong ng ganyan Lahat ng yun kalituhan sa kanya noon, kaya ngayon ang dami nkiyang tanong minsan sa amin ni Jairus about sa mga nangyayare noon. Hindi pa niya maiintindihan yun dahil hindi pa naman sya ganun katanda para intindihin yun, nasa tamang panahon lahat yun para malaman niya “Fine, naalala ko lang si daddy love na nasa heaven na” bigla niyang binanggit si Elis Alam niyang patay na si Elis, pero ang mahirap syempre ay yung mga memories na nabuo namin at nila ni Kit noon. Yun ang hindi makakalimutan, hindi na kase pwedeng madagdagan ang memories nila ng daddy love niya, hanggang dun na lang ang role ni Elis sa buhay namin Nagtinginan kami ni Jairus, sa sinabing yun ni Kit, hindi naman pwedengtanggalin si Elis sa puso ni Kit kase nakalakihan na niya ito noon. “Masaya na sya kung nasaan man sya Kit” “But how about tito Prince, sabi niyo kase kuya sya ni daddy idol, but where is he now? Wala na din ba sya?” Nanahimik si Jai, napansin ko nalungkot sya nung tinanong ni Kit si Prince, wag naman sanang mapahamak yung taong yun isa sya sa mga gumabay sa akin noong mga panahon na litong lito ako, gabay na nakakabwisit haha Ang laki din ng tulong niya sa akin, sa amin nila Jairus “He’s okay, and he will always be okay” sagot ni Jairus Sana nga Jairus, wala naman kase tayong kasiguraduhan sa kaligtasan ni Prince ngayon, lalo ngayon may mga sign na nasa panganib sya Hinayaan na naming silang maglaro ni Keanna dito sa kwarto naming, habang si Jairus, ang lalim tuloy ng iniisip, nakatanaw sya sa bintana dito sa kwarto Prince na saan ka ba talaga, pinag aalala mo kami ***** [Kinabukasan] *dingdong*  Papasok na sana kami sa sasakyan ni Jairus, papasok na ako, ihahatid pa namin si Kit, pero babalik din sila ni Keanna dito sa bahay hahatid lang niya mga estudyante niya hahaha “May ineexpect ka bang bisita?” tanong ko kay Jai “Wala” pagkasagot niya nun ay lumapit sya sa gate at binuksan ito Sumunod ako sa kanya, iniwan namin yung dalawang bata sa kotse, check ko rin kung sino yun ako ang back up  Back up dancer hahaha Pagbukas niya ng gate wala namang tao pero may box na malaki sa harapan ng gate namin, kinuha yun ni Jairus, maaga pa para sa pasko o baka naman naiwan to ng kung sino? naiwan tapos nagdoorbell? talino mo talaga Kae Sa hindi kalayuan sa bahay namin may narinig kaming umandar na kotse, napalingon kami ni Jairus dun  banda Sakto nung napalingon kami, pinasok nung nakatingin sa amin yung ulo niya agad dun sa bintana ng kotse, mukang kanina pa niya kami pinagmamasdan at nakatanaw, hinintay lang niya kami makalingon Napansin naming sumara yung bintana ng kotse sa may likuran at tsaka umalis na “Sino kaya yun” Binuksan agad ni Jairus yung box, baka daw kase bomba o ano pero sulat ulit nakalagay, ang laking box pero sulat lang ang nakalagay Same design ng sulat na pinapadala kay Jairus Dahan dahan niyang kinuha yung sulat sa loob ng box, lumapit ako para makita at mabasa kung ano ang nakalagay sa loob nun Pero hindi sulat ang nakalagay dun, kundi litrato ni Prince noong nag aaral pa sya sa Arkon ata to at may malaking X sa mukha nito Halata sa itsura ni Jairus ang inis, napatingin nalang sya sa direksyon nung kotse kanina na umalis, mukang may kinalaman yun Sino kaya yun? Panganib nanaman ba to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD