Typos and grammatical error ahead!! #19_Vienn: It's been two days!!! Nakakaboring na ang mag stay sa hospital. At kung wala siguro si Vience na nagbabantay sa akin ay baka nagpumilit na akong umuwi matapos ang operasyon at sa bahay na lang ako magpagaling. Total naman si Kanye naman ang dadalaw sa akin para kumustahin ang sugat ko. Pero ngayon.... Napangiti ako, bumangon sa pagkakahiga ko at lumapit sa kanya sa sofa kung saan siya nakatulog. May extra bed naman sa gilid pero hindi siya doon natutulog sa dalawang gabi na pagbabantay niya sa akin. Para daw din kasi siyang pasyente kapag doon nahiga. Natutuwa ako ng hindi ko mawari dahil nagtitiis parin siya na manatili dito kahit hindi naman niya kailangang gawin. Kung gusto naman niyang umalis ay makakaalis siya lalo pa at wala naman