Typos and grammatical error ahead!! #20_Vience; Hindi ko talaga mapigilan ang hindi tignan mula ulo hanggang paa ang sinabi niyang katulong na makakasama namin sa bahay. Kasi naman ang ganda niya. At may katulong ba pang display ang ganda? Hindi naman ako insecure pero sadyang di lang ako makapaniwala. Saka hindi naman namin kailangan ng katulong. Kaya ko naman magtrabaho sa bahay kung iyon ang inaalala niya. Kabayaran na din sa pananatili ko dito ng lebre ay kaya kong gumawa ng gawaing bahay. Baka mamaya paghahatian pala namin ang sahod niya. Naku! Sabing wala akong pera. Hindi naman na ako sumasahod dahil hindi pa ako nakakapag report sa boss ko. At paano ako makakapagreport kung hindi naman ako makalabas ng A. Place dahil ayaw daw ako payagan ng kung sino man ang nagpipigil sa akim