Galit ako sa kanilang dalawa ni Zandra, pero mukhang nangingibabaw pa rin sa puso at isipan ko 'yung pinagsamahan naming tatlo. I just can't get rid of those f*cking memories we've shared together. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
Ilang minuto rin kami sa gano'ng posisyon. Napakalas lang kami sa pagkakayakap nang makarinig kami ng putok ng baril.
"Sh*t!" mura ko. Ikaw ba naman, sinong hindi magugulat habang nag mo-moment kayo ng best friend mo ay makakarinig kayo ng isang putok ng baril?
"Vince, magtago ka sa likod ko. Ako ang bahala sa iyo," ani ko. Imbes na sumunod ay humalakhak lang ang kumag. Tang*na niya talaga! Ako na nga ang nagmamalasakit, tapos tatawanan niya lang ako?
Mas lalo pa ngang lumakas ang tawa nito nang ilabas ko ang pistol sa aking sling bag na dala ko. Well, I'm always prepared b*tch.
"What? Masama bang maging ready ah?! Kung ako sa iyo, maghanap ka na ng pagtataguan dahil alam ko naman na hanggang ngayon, bakla ka pa rin!" bulalas ko habang inaabangan ang kung sino mang pashneang nangahas.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita kong pumasok si---
Oh sh*t!
P*ta talaga! Hanggang dito ba naman makikita ko ang Hudas na ito!
Sino pa ba? Edi si Kamatayan na hindi ko malaman kong kabute ba ito o ano? Kahit saan talaga bigla na lang sumusulpot!
Nang makita ko siya ay mas hinigpitan ko pa ang hawak sa aking baril. Nakita ko ang pagkagulat ng mga mata niya, syempre hindi niya siguro ine-expect na magkakilala rin kami ng alalay niya. Pero dahil nga isa siyang magaling na actor, agad niya naman yo'ng nabawi at biglang ngumisi.
His signature smile...
Paksh*t pakbet!
"Calm down Keish, si Kamatayan lang 'yan," bulong ni Vince. Pero hindi ko siya pinakinggan. Anong kumalma? Bobo talaga! Kahit sinong nilalang hindi kakalma kapag nakita ang ngiti nitong galing pa sa hukay! Napaka perpekto ng pagkakahugis ng kan'yang mga labi dahilan para mas kilabutan ako. Kung bakit ba naman kasi hinayaan ni Bathala na maging masamang damo ang gwapong nilalang na ito, edi sana hindi ako nagdurusa ngayon. Char, ang drama ko masyado. Hindi ako mahuhulog sa killer smile niya, asa! Gusto ko lang naman sabihin sa inyo kung gaano ako nags-struggle sa tuwing ibabalandra ni Kamatayan ang kan'yang ngiti.
"Kamatayan, pakibantayan mo na si Keisha para sa'kin ah? Magbibihis lang ako saglit. And Keish, pwede pakibaba mo na 'yang baril mo? Ako na nangangako, hindi ka sasaktan ni Kamatayan hangga't nandito ako," paalam ni Vince na yumuko pa hunghang bago umalis.
G*go! Hindi mo lang alam na siya ang dahilan kong bakit may mga pasa pa rin ako sa katawan!
Tinago ko ang pangangatog ng aking tuhod dahil nagsimula na itong humakbang papalapit sa direksyon ko. Paatras ako nang paatras dahil paabante ito nang paabante.
"Subukan mo pang lumapit talaga ah! Akala mo hindi kita aatrasan? Utot mo! Hindi ako maghe- hesitate na paput—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil bigla nitong inilapit ang kan'yang mala anghel na mukha. T*ragis! Muntik na akong atakihin sa puso!
Help me, Mamma Miya!
Kaunting distansya na lang at isang maling galaw ay magkakadikit na ang aming mga labi.
"Are you sure you can harm me, huh? If so, bakit nangangatog ka ngayon?" mapang-insulto niyang tanong habang marahang hinahaplos ang aking pisngi.
Clear thy heart!!! Clear thy mind!! Wag papaapekto sa tukso, Keisha. Siya ay isang demonyo kaya wag na wag na wag kang bibitaw!
"Alam mo bang nakakamatay 'yang hawak mo? Ang kaso, mahina ang humahawak nito," bulong niya habang patuloy na ini-invade ang natitirang space sa aming dalawa ng paunti-unti. Biglang nag init ang aking katawan. Sinusubukan talaga ako ng isang 'to! Pwes makikipagsabayan ako!
Inilapit ko rin ang aking mukha na nagresulta sa tuluyang paglapat ng mga labi namin.
G*go! Anong pumasok sa utak ko?
Hindi ko naman ine-expect na wala na--- na dead-end na 'yong kasunod na move, edi sana hindi ko na ginawa! Lupa! Kainin mo na ako ngayon! Save me from this fvckng embarrassment!!
Ayon na nga, dahil nadala ako sa bugso ng damdamin at dahil na rin sa panunukso nito ni Kamatayan, naglapat na ang mga labi namin. Nagsimula na rin siyang mag-initiate at balak niya atang gawin ulit 'yong ginawa niya sa akin kahapon.
Para akong kinuryente ngayon. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganitong sensasyon, like duh? Good kisser ako and this is not my frist time na mahalikan pero kakaiba ang sa kan'ya. Well maybe because he's a demon? And 'yong ex ko kasi before eh talagang anghel kaya nanibago ako the way his tongue plays inside.
Habang ginagantihan ko s'ya sa mga halik niya na hindi ko matiis ay marahan kong kinalabit ang baril ko na nagresulta sa pagbaon ng bala sa kaliwang binti nito.
Akala niya ata madadala ako nang tuluyan sa masarap niyang halik? Well, sorry na lang siya.
Agad na lumayo si Kamatayan habang nakangiti. Walang hiya, masaya pa talaga sya? Ibang klase! Dinig ko ang malulutong na mura ni Vince na dali-daling bumaba mula sa hagdan.
"F*ck! Anong ginawa mo Keisha!" malakas na sigaw nito
Literal na umikot ang mata ko dahil labis ang pagkataranta niya habang inaakay nito ang kan'yang walang bayag na boss para umupo sa sofa. Wow ah? Good friends 'yan? Pffft--kasuka!
Naglakad na ako palabas. "Gotta go, nakaganti na rin naman ako sa inyong dalawa so, magpakasaya kayo," ani ko tapos binigyan sila ng pekeng ngiti. Isang mabilis na sulyap ang ginawa ko bago tuluyang lumabas sa tarangkahan. Hindi nakaligtas sa akin ang mapang-insulting ngiti ni Kamatayan na ikinainis ko. Seriously? Hilig niya talagang mang-provoke ng tao gamit lang ang ngiti niya no?
I hate his smile! Bwesit nag-iinit agad ang ulo ko!
"F*ck you Kamatayan! Go to hell!" sigaw ko bago ko paharurutin ang aking motor.
Habang binabagtas ang kalsada, biglang sumagi sa isip ko 'yung dalawa na naiwan.
'Bakit kaya dinalaw ni Kamatayan si Vince? Omo! Hindi kaya may something sa kanilang dalawa?'
Shutek, huwag naman sana! I mean---goosebumps!
Isinantabi ko na ang marumi kong iniisip at nag-focus na sa pagmamaneho. Nang makarating na ako sa bahay, bigla akong kinutuban ako nang masama. Habang ipinapasok ko ang motor, nakita ko na may tao sa likod ng puno, sa harap ng bahay namin.
Tang*na, ano na naman ito?
Kaagad akong naglakad patungo doon at hindi nga ako nagkamali, dahil mabilis na tumakbo ang isang lalaki.
"G*go! Tumakbo ka nang mabilis hangga't may lupa! Kapag nahabol kita sinisigurado kong hindi ka na sisikatan ng araw bukas!" sigaw ko. Buti na lang talaga at mabilis ang isang 'to, dahil hindi ako nag jo- joke. Talagang hindi ko na siya hahayaang mabuhay pa!
Ehhh? Nasaan na 'yon? Impo---Nakapagtataka naman? Bakit parang alam niya ang pasikot-sikot ng luagar namin?
Shuta, don't tell me, matagal na siyang nagmamanman?
'F*ck! Naisahan ako ng kumag!' gigil kong bulong habang iniikot ang mga mata. Bigla na lang itong nawala sa paningin ko. Medyo madilim na rin at nangangatog pa rin ang tuhod ko salamat sa demonyitong Kamatayan. Napagpasyahan ko na palampasin muna ang bubwit at umuwi na.
Siguro naman magtatanda na ang isang 'yon at hindi na itutuloy ang pagmanman. Dahil kung hindi, hah! Kabahan na talaga siya!