CHAPTER 6: FADED MEMORIES

1264 Words
KEISHA Pagkarating ko sa bahay, tahimik na paligid ang bumungad sa akin. Walang Sophia na mambu- bwesit sa akin ngayon, wala si Mom na mangingialam kung anong mga pinaggagagawa ko, at wala si Dad na mangungunsinte sa akin. Well, hindi naman ako nalulungkot na mag- isa sa bahay dahil sanay na rin naman ako. Ang kaso lang, sa ganitong mga panahon, bigla talagang sumasagi sa isipan ko 'yong pinakamamahal kong ex, si Xen na iniwan na lang ako bigla. Timing din naman, dahil nagbabadyang bumuhos ang luha ng kalangitan at mukhang sinama niya ngayon sa byahe ang kupal na kidlat at kulog. Tamang-tama sa pagsesenti mode. Baka isipin niyo, ano ba 'yan, akala ko ba matapang 'yang Keisha na 'yan? Bakit biglang nag e-emote? G*go ba kayo? Kahit 'yong pinaka masamang tao sa mundo, nakakaramdam din ng lungkot, mga bwesit na 'to! Kung tutuusin nga, 'yong mga malulungkot na ala-ala ang nagsisilbi kong ilaw at rason para magpatuloy sa buhay. Dahil sa mga 'yon kaya ako naririto, lumalaban, at nagpapakatatag. Kaya kong marami man kayong sad memories, 'yon 'yong patunay na kahit gaano kabigat, at kahapdi nang sinapit natin noon, hindi tayo nadaig ng mga problemang 'yon. Dahil heto ka, nagbabasa, nagpapatuloy, at buhay. Isang apir naman d'yan! Charot lang hehehehe. So ayon, balik na tayo. Agad akong pumasok sa kwarto para magbihis. Nawala nga agad sa isipan ko 'yong nangyari kani-kanina lang. Huwag lang talagang magpakita sa akin ang pesteng stalker na 'yon dahil babalatan ko talaga siya ng buhay! Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko sa lamesa 'yong picture frame na may lamang litrato namin ni Xen, my ex-boyfriend, paulit-ulit. It's been 2 and a half years since he left without a word, without a trace. 'Trace?'  Teka--- Tila nag-echo sa aking isipan 'yong word na 'yon habang unti-unti akong nakaramdam ng pagkirot ng ulo ko. 'Where is he?' 'Babe where are you now? I've been waiting here, kanina pa,' 'Babe—I'm going to be late,' 'Keisha, I'm sorry...' "What the f*ck! Ano ang mga 'yon? Bakit? Bumabalik na ba ang nawala kong ala-ala? P*cha, bakit ngayon pa?" tanong ko habang patuloy na sapo-sapo ang aking ulo. Napahiga ako sa kama dahil sa sobrang sakit. Para akong sinasabunutan ng tatlong babae, 'yong anit ko, sumasabay din sa t***k ng aking puso. 'Ate, where's Xen?' 'He left you. Matagal na kayong hiwalay,' 'No! Alam kong mahal ako ni Xen! Hindi niya magagawa sa akin 'yon!' 'He's gone, Keisha! They're all gone! Si Vince, si Zandra, lahat sila iniwan ka! Ako na lang ang kakampi mo rito,' "Ahhhhhhhhhh!" sigaw ko sa kawalan, habang yakap-yakap ang aking tuhod. Hindi ako mapakali, panay ang gulong ko sa kama habang sumisigaw sa kirot. Pero ang mas nagpapahirap sa akin ngayon ay ang biglang pagsulputan ng mga ala-alang hindi ko inaasahang babalik sa akin. Gulong-gulo ako kong ako ba talaga ang nando'n? Si Xen ba 'yon? Nangyari bang lahat ng 'yon sa'kin? Bakit gano'n? Bakit nandito ako--- 'Tama, bakit nga ba nandito pa ako?' Makalipas ang minuto na paggulong-gulong sa kama, nawala na lang bigla ang sakit, ngunit ang kapalit naman no'n ay ang biglaang pagkabalisa. Hinayaan kong umikot ang paningin ko habang tinutunaw sa titig ang kisame. 'Ate where is he?' 'I'm sorry Keisha, hindi ko siya naprotektahan,' 'He's gone,' 'Patay na si---' 'No! He's not dead! Not him! Not my Xen!' 'Keisha! Stop it! Keisha! Come back here!' Dahan-dahan akong tumayo at habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin, gusto kong maglupasay sa sobrang galit at pagkadismaya. Wala akong pakialam kong patuloy na dumadaloy ang dugo mula sa aking ilong. Ang tanging laman lang ng isip ko ngayon ay kong bakit nagawang magsinungaling ng kapatid ko sa akin.  Ngayon, malinaw na sa'kin ang lahat.  Kaagad kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng aking short at dinial ang number nito. "Hello? Keisha, anong—" Hindi ko na ito pinatapos pang magsalita at agad na binungaran ng maraming mura. "F*ck you! You lied to me!" sigaw ko. "What are you talking about? Wait, don't tell me, naaalala mo na ang lahat?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yes, you f*cker! How dare you! Tang*na mo! Pinagkatiwalaan kita kasi kapatid kitang g*go ka! Tapos ikaw lang din pala ang manloloko sa'kin?" sumbat ko. "Let me explain! Ginawa ko lang 'yon for your own safety!" depensa ni g*ga. "Safety? Safety mo mukha mo! Puro ka rason, puro kayo rason! Bakit mo sinabing iniwan ako ni Xen! Bakit kailangan mong magsinungaling! Nasaan siya ngayon!" nanggigigil kong tanong. Saglit na tumahimik sa kabilang linya ang magaling kong kapatid. Nakarinig mo na ako ng ilang hikbi bago ito nagsalita. "He's gone. He's dead. Akala ko ba naaalala mo na ang lahat? Look, Keisha, hindi mo pa rin ba matangg---", "Shut up! Shut up! Shut up! Shut up!" malakas kong sigaw habang humahagulgol. Sa mga sandaling iyon, halos kapusin ako ng hininga. I heard those words again. Akala ko wala na akong mararamdaman kapag narinig kong muli ang mga salitang pumatay sa'kin before. Pero hindi, dahil hanggang ngayon, hangga't may puwang sa puso ko si Xen, ang mga katagang wala na siya, ay patuloy na tutusok at tutusok sa puso ko. "Tell me the f*ckng truth, Sophia! Don't you dare lie to me again! I'm begging you! What did I do to you para ganituhin mo akong h*yop ka! You're my sister! Bakit mo nagawa 'to sa'kin! Ang buo kong akala, nasa malayong lugar si Xen, masaya na siya sa piling ng iba tapos ganito pala?! Wala na pala siya!" sumbat ko, as we both crying helplessly. "Keisha, huminahon ka please! He's dead at totoo iyon. I- I'm so afraid to tell you the truth back then dahil kakagising mo lang galing coma at ayaw kong mabigla ka!" tugon nito. Napasalampak ako sa sahig dahil sa halo-halong emosyon na lumalamon sa katawan ko ngayon. Ang pait. Ang pait ng luhang pumapasok sa bibig ko. "I'm sorry- I'm really sorry Keisha. Hindi lang ako makahanap ng magandang tyempo para aminin sa iyo ang lahat. Sana maintindihan mo ako. Lahat ng ginagawa ko ay para sa ikabubuti mo 'yong lahat," dagdag na paliwanag ni Sophia. Kaagad kong ibinaba ang tawag dahil feeling ko mawawalan ako ng malay ano mang oras. Sapat na sa'kin ang mga narinig ko. I don't think I can take another word na lalabas sa bibig niya. Tangan-tangan ang litrato namin ni Xen, gumapang ako papunta sa kama habang patuloy na hinahayaan ang mga luha na dumaloy sa aking mukha. Xen, why? Para saan pa ang mga pinangako natin sa isa't-isa na magkasama nating tatahakin ang walang-hanggan? Akala ko ba magkasama tayong tatanda? Sabi mo dadalhin mo ako sa pinakamagandang lugar dahil ako ang pinakamagandang babae na nakilala mo? Then, why! Bakit mo ako iniwang mag-isa! Patuloy pa rin akong hindi pinatatahimik ng mga ala-alang ngayon lang bumalik sa akin. Dinudurog, sinasaksak, animo'y bangungot ang lahat. 'Babe, kapag napa oo ko na ang Ate mo pati parents mo, dadalhin kita sa pinakamagandang lugar sa buong mundo! Magta-travel tayo ng magkasama. We'll spend our time together. 'Yong tayo lang. At ang tanging misyon lang na nasa isip ko ay ang pasayahin ka,' Stop--- I don't want to remember those words, and those smile--- Sabi mo, ano man ang mangyari, hinding-hindi mo ako iiwan? P*tangina mo pala! Bakit naman ganito? Sana hindi ka na lang nangako na gagawin mo akong pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Sana hindi mo na lang sinabi na ihaharap mo ako sa altar pakatapos nating matupad ang mga pangarap natin. Ha! Why am I still whining? Mapapagod lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD