CHAPTER 6.5

1146 Words
Walang makakarinig ng mga palahaw ko kahit gaano man ito kalakas. Ako lang mag-isa, kaya para saan pa? 'Keisha, after nitong misyon ko, magre-resign na ako. I want to be with you. I want to spend more time with you. I want you to be mine as soon as possible. Kapag nakapagtapos na tayo, I'll make you my bride. That's my promise,' Shut up, Xen--- Hindi na mangyayari ang lahat ng iyan. Sana hindi mo na lang ako sinanay na kahit anong mangyari, nandiyan ka, sasaluhin mo ako, pupunasan mo mga luha ko. Sana hindi mo na lang-- sana hindi mo na lang ako iniwan. Still, hoping? Keisha, stop it. 'Tahan na. Akong bahala sa'yo okay? Hindi mo na kailangan pang makipag-away sa kanila because that's my job. I won't let anyone harm you. I swear to God, I'll protect you until the end,' Stop it already. He's gone... Those words were all lies--- Wake up! Habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko sa pisngi, pilit kong hinahawakan ang huling ala-ala na nagsama kaming dalawa. Kahit iyon lang ang matira sa utak ko. Kahit masakit, tatanggapin ko. Patuloy kong tinititigan ang litrato naming dalawa. Hinayaan ko na tangayin ako ng antok at dalhin sa mga panahong kung saan, tanaw at abot-kamay ko pa ang lalaking una kong inibig. "Babe, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na, you don't need to push yourself na patulan 'yong mga naninira sa'tin?" ani Xen habang pinupunasan ang uniform ko na natapunan ng sauce. Napa-pout na lang ako dahil araw-araw eh sermon na lang ang inaabot ko sa kan'ya. Hindi niya na ba ako mahal at dinaig nya pa si Mommy sa panenermon? Eh panong hindi ako makikipag-away eh yung mga kaklase ko talagang sinusubukan nila ang pasensya ko. Buti na lang nandiyan siya para protektahan ako lagi mula sa mga evil witches. Yes, masama ang makipagbardagulan dahil nakakasira ng beauty 'yon, ang kaso kasi sumosobra na sila! "Are you mad? I'm sorry, sila naman kasi, sumusobra na sila! Buti na lang nandito ka. You know what babe, no'ng sinabi mong, kapag tinawag ko ang name mo, darating ka? I'm so happy dahil hindi mo binali 'yong promise mo na 'yon. May powers ka ba, babe? Nase-sense mo agad kung nasa panganib ako? Hahahaha!" masayang ani ko. Imbes sumagot, ginulo niya lang ang buhok ko at ikinulong ako sa kan'yang mga bisig. "Yeah, just call my name and I will fight that sadness, loneliness at kahit ano pang ness na nararamdaman mo," banat niya. After he said those words, nagtawanan kami. Napangiti ako sa mga sandaling masaya pa kaming dalawa. Nakaka miss 'yong kulitan namin, 'yong mga banat niya, 'yong mga kanta niya, 'yong mga araw na pino-protektahan niya ako sa mga umaaway sa akin. 'Yong mga araw at gabi na tinatawagan niya ako, 'yong mga oras na inaalagaan niya ako at laging pinapadama sa akin na special akong tao. "Babe, should we end our relationship? Masyado nang maraming gustong manakit sa'yo. What should I do? I don't want to leave you, pero eto lang ang naiisip kong paraan para tantanan ka na nila. Maybe- maybe we should walk separate ways from now on," nag-aalangang sabi ni Xen. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Ang alam ko lang ay labis na namumula ang mga mata nito, as if katatapos niya lang umiyak buong magdamag. Nag-uunahang lumabas ang luha sa mga mata ko, the moment I heard those words. Sinampal ko siya sa sobrang inis. Unang beses ko 'yong ginawa at hindi ko ine-expect na sa kaniya pa. Ang sakit-sakit. Dahil sa pagiging mahina ko, kailangan niya akong iwan. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na magkasama sila ni Ate sa trabaho, at alam ko rin na may mga threats siyang natatanggap na kesyo papatayin ako at ang family niya. Pero hindi ko inaasahanang hahantong kami sa ganito. Hindi ko inaasahan na sasang-ayon siya sa ganitong klaseng solusyon. "I won't stop loving you, kahit nasaan man ako. I promise to do everything, to make you safe no matter what," ani ya. Ginawadan niya ako ng halik sa noo. At that moment, parang mag co- collapse ang katawan ko sa sobrang sakit. Wala akong nagawa para pigilan siya. Dahil sino ba naman ako? Matagal niya ng pangarap ang maging magaling na assassin, kaya wala ako sa posisyon para pigilin siya sa pag-abot niyon. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. I can't even call his name habang unti- unti siyang lumalayo sa akin. Tanging iyak... Tanging iyak lang ang nagagawa ko nang mga panahong 'yon. Ni hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kan'ya. Ni hindi ko kayang magprotesta sa harap niya at sabihing wag na lang siyang umalis. Na hindi ko kayang wala siya. Naghintay ako ng linggo, nagbilang ako ng buwan hanggang sa umabot ng taon. Umaasa ako na babalik siya sa akin, pero sa bawat paglipas ng mga araw na walang Xen na dumadating, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. "Keisha, I'm sorry. Nag promise ako na po-protektahan ko siya pero.... I'm really sorry. Xen is dead," ani Ate while crying. She was kneeling in front of me. What is she talking about? Hindi ko narinig, what? No--- I definitely heard it but why? Ba't parang hindi ma-process ng utak ko ang sinabi niya? What should I do in this kind of situation? Cry? Should I cry? Again? Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magwala, sabunutan ang sarili ko, itapon lahat ng gamit na makita ko pero wala eh. Walang response ang aking katawan. Sa mga panahong 'yon naramdaman ko na parang nawala sa'kin ang lahat. Isang taon lang naman. Isang taon ko siyang hinintay tapos malalaman ko na wala na siya? Tanging mga hikbi at sigaw ng paghihinagpis ang maririnig sa kwarto ko araw at gabi. Nagsisisi ako dahil naging mahina ako. Simula noon, tinuruan ako ni Ate na lumaban. Nilabas niya ang demonyong matagal na natulog sa katawan ko. Wala na rin sa akin ang pumaslang. Wala na rin sa akin ang makasakit ng kapwa. Deserve nila 'yan! Ipaparamdaman ko sa iba ang sakit na naramdaman ko. All I did was to be a good girl! Pero anong isinukli ng mundo sa akin? Natatakot na akong maging mahina ulit dahil alam kong unti-unting mawawala ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Tama nga na dalawang klase lang ng tao mayroon sa karera ng mundo. It's either ikaw ang lalapain, o ikaw ang lalapa. At ngayong nagbago na ako, sisiguraduhin kong hindi ko na mararanasan pang mawalan ng mahal sa buhay. Kong kinakailangan kong maging demonyo permanente, hindi ako magpipigil. Babanggain ko ang lahat ng haharang. Lalapain ko ang lahat ng hahamon. I won't be lame anymore. The crybaby who only clings to his lover is dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD