CHAPTER 7: F2F SALPUKAN

1205 Words
KEISHA Ughhhhh! I want to go home now! Feeling ko pumasok lang ako sa school na ito para ma-bored, because all I did was to sleep all day to the point na okay lang na mapuyat ako every night kasi pwede namang matulog sa school buong 8 hours. "Ngayong araw ang official opening ng mga dorm. Last week ay nakapag bigay na rin ng notice ang school sa inyong mga magulang about this matter, and they agreed. May mga newly installed ATM machines na rin sa loob ng campus para hindi na maglabasmasok pa. Aware na rin naman ata kayo na open na rin ang supermarket na naglalaman ng lahat ng pangangailangan niyo, kaya wala na kayong rason pa para umuwi at lumabas. Kung mayroon man kayong magandang rason, wala akong pakialam. Kung may mga anumalya kayo at suggestions, feel free to speak at pakikinggan ko in one condition, dapat nakahanda rin kayo anuman ang mangyari after niyo magsalita. Pwedeng wala na kayong dila bukas, or if I were you, you must prepare for the worst," ani Kamatayan, animo'y isa-isang sinisiyasat ang mga studyante gamit lang ang dalawang mata niya.   Tsk, hindi ako magsasawang sabihin na napakayabang talaga ng demonyong 'to. 'Kala mo naman kong sinong boss, porket siya ang SC President kala mo naman pagmamay-ari niya na ang buong school. Hindi niya naman sguro pagmamay-ari ito ano? Ahhh basta! Kahit oo man, aba'y edi wow na lang! Nagsitayuan na ang mga stupident nang wakasan na ng ambisyosong gunggong ang kaniyang SONA. Syempre ang mga masunurin niyang mga palaka, ayon halos magdugo ang mga palad sa kakapalakpak. 'Yong iba naman, kala mo eh baboy na manganganak sa sobrang lakas ng tili no'ng lapitan ni Kamatayan. Psh, kay lalandi! "Lorry, ayusin mo ang tayo mo. Bilisan mo dahil papalapit na siya sa atin," warning ni Zandra. Pero dahil wala akong maayos na tulog kagabi dahil sa p*nyetang Sophia na 'yon at idagdag mo pa ang pagsakit ng ulo ko dahil sa biglaang pagbalik unti-unti ng aking mga ala-ala, ayon, puyat ako. "Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko kapag hindi ka tumayo ng matuwid Keisha," bulong ng demonyo dahilan para magsitayuang ang aking mga balahibo.  'P4kyuuuuu men,'  bulong ko rin siya pabalik sabay irap 360 degrees akala mo talaga eh matigas na tinapay na hindi manlalambot sa kumukulong kape. Alam niyo 'yong hininga niya, the moment na dumampi sa balat ng tenga ko 'yon, para akong kinuryente na ewan. 'Yong tipo na kahit ayaw na ayaw mong sumunod sa iniuutos niya, 'yong katawan mo na mismo 'yong magpe-presinta. Kaya ang ending, ayon na nga, abot-abot ang pagka-dismaya ko sa sarili ko nang muli na naman talaga! Hnggg, napasunod na naman ako ng bwesit na lalaking 'to!  Ginantihan ko naman siya ng matatalim na titig, pambawi lang kahit papa'no. Bwesit talaga, bwesit! "Good, now follow me," ani 'to habang ibinabalandra sa aking mukha 'yong kan'yang signature smirk na akala mo eh nanalo sa kompetisyon. Lord? Pwede bang bawian ko na ng hininga ang isang 'to? Ako na po ang gagawa ng hakbang para lisanin niya ang mundo.   Hindi maipinta ang mukha ni Zandra nang marinig ang utos ni Kamatayan. Marahil ay alam niyang may masamang mangyayari sa akin. Well, ine-expect ko na rin naman iyon pero sumunod man ako o hindi malamang sa malamang malilintikan pa rin ako. Sige lang, magpakasaya ka hangga't may oras pa Kamatayan. Darating din ang araw na ako naman ang magpapahirap sa'yong buang ka! May dalawang lalaki ang nakasunod sa'min ngayon, syempre mga alalay ng demonyo. President of the Philippines? Feel na feel naman magkaroon ng bodyguards. Isa sa mga bodyguards ng demonyo ay walang iba kung hindi ang isa pang peste sa buhay ko, edi sino pa? Edi si Vince na abot tenga ang tuwa, tsk. Sa sobrang occupied ng utak ko kaka-mura sa demonyo, hindi ko napansin na tumigil pala si Kamatayan, dahilan para mapasubsob ako sa likod nito. Fudge!  Sapo-sapo ko tuloy ngayon ang aking ilong dahil 'yon ang naunang humalik sa likod niya. "Vixel, inform the students to go back to their classes now. Finn, rumonda ka ngayon. Nakatanggap ako ng reklamo na may mga studyante na namang nag ka-cutting class. Punishment room number 1, pagkasiyahin mo lahat ng mahuhuli mo. No lunch and dinner, bukas ng alas tres ang out," utos nito. Agad namang nagsiyuko ang dalawa at walang reklamong sumunod sa utos ng Hari. Ngayong kami na lang dalawa, bored kong tinitigan ang likod ni Kamatayan. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa huminto ulit kami sa tapat ng isang malaking pinto. "Where are we?" bored kong tanong. Hindi ako nito sinagot pero nakatingin siya sa akin. Itinaas nito ang kan'yang kanang kamay tapos itinuro ang pinto as if inuutusan niya ako. Oh my f*ckng! Ano siya? Boss?  Ha!!! "G*go ka talaga eh no? Kong ang dahilan kung bakit mo ako pinasunod ay para pagbuksan ka ng pinto, pwes mamatay ka na! Nakakagigil ka! Anong akala mo sa akin? Alila mo? Ano ka sinuswerte? Pagbuksan mo ang sarili mo! May dalawang kamay ka na pwede mong gamitin! Napaka neto!" sigaw ko at akmang aalis na, ngunit bago pa man ako makahakbang, hinablot ni Kamatayan ang braso ko nang bonggang-bongga! 'Yong tipong akala ko talaga hihiwalay na sa katawan ko 'yong braso ko. Syempre naman papalag tayo! Aba ah! Sumusobra naman na siya! Gusto niya atang sagarin ang pasensya at pagtitimpi ko ngayong araw! Pinilit kong bawiin ang kamay ko, kahit higpitan niya pa ang pagkakahawak niya, papalag pa rin ako! "Ang dami mong sinabi, tss," bulong niya tapos siya 'yong nagbukas ng pinto. Tumambad sa amin ang napakalinis at napakalaking office, na sa malamang ay pagmamay-ari nitong demonyog 'to. "Starting from now, you will be my secretary, and that is an order," ani ya. Umirap ako ng ilang beses no'ng marinig ko ang kan'yang sinabi.   Susmi! Kahabagan niyo po nawa ang lalaking nasa harapan ko ngayon dahil nagsisimula nang magdilim ang paningin ko!   "Uulitin ko ah, Kamatayan, at baka kasi hindi mo naiintindihan. Ako, hindi mo pagmamay-ari. Ako, hindi mo utusan. Ako, kahit kailan, hindi magpapa-under sa iyo katulad ng ginagawa ng mga walang utak na studyante sa labas," paglilinaw ko pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito no'ng marinig ang sinabi ko. Instead, lumapit ito at yumuko nang bahagya para pumantay ang mukha niya sa mukha ko.   Hawak-hawak pa rin ang aking braso, inilapit pa nito lalo ang kaniyang mukha sa akin, 'yong sobrang lapit na tipong naaamoy ko na ang hangin na lumalabas sa ilong niya. Kulang na lang magdampi ang mga balahibo namin sa isa't-isa. "Bibigyan kita ng isang araw para tanggapin ang offer ko. Kung hindi---" Hindi ko na siya pinatapos pa at agad na sumabat. "Kung hindi ano? Akala mo matatakot ako? Akala mo titiklop ako sa iyo sa pa gan'yan-gan'yan mo? Utot mo violet!" bulyaw ko. Isang mapang-insultong ngiti ang ibinalandra nito bago niya lubayan ang aking mukha. Kinuha niya ang kaniyang cellphone 'saka may tinawagan. Mukhang tapos naman na ang panggag*go nitong demonyong 'to sa akin kaya naman naglakad na ako palabas ng pinto. "Finn, Keisha Loreen Yu, punishment number 2. Tomorrow, 5:00 pm. No dinner, mild punishment, 5 am, out," ani ya, sanhi para magunaw ang mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD