CHAPTER 7.5

1478 Words
ZANDRA Mag a-alas tres na ng hapon at malapit ng matapos ang klase, pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kong nakapasok kaya si Keisha sa klase nito kanina, at kong ano ang pinag-usapan nila ni Kamatayan. "Zandra, gusto mo bang sumabay sa'min mamaya palabas? Tapos sabay na lang din tayo bukas ng umaga pagpasok," alok ni Marievick, katabi ko sa upuan. "Uhm hindi eh, hihintayin ko kasi 'yong kaibigan ko mamaya. Pero bukas pwede akong sumabay," mabait kong tugon. Pagkasabi ko no'n, tumango lang ito tapos ibinaling na ulit ang atensyon sa Teacher namin. Bwesit! Hindi ako mapakali! Habang nakatulala sa kawalan, napukaw ang atensyon ko ng dalawang estudyante na mukhang nagbabangayan sa labas. At dahil doon, naalala ko ang unang pagkakaton na makita si Keisha sa loob ng Saint Augustus. Noong mga panahong 'yon. Abot langit ang pagkagulat ko nang makitang nag-aaway sila ni Kamatayan. Hindi ako nagdalawang-isip at parang may sariling buhay ang mga paa ko na nakipagsiksikan sa crowd para awatin sila. Akala ko kasi chance ko na 'yon para mapansin ni Kamatayan, pero mali. Kay Keisha nakatuon ang mga mata niya simula noon hanggang ngayon! 'Hanggang dito ba naman aagawin mo ang lahat sa akin Keisha?' Simula nang makilala namin siya ni Vince, walang araw ang lumilipas na hindi niya naagaw ang atensyon ng lahat. 'Ako dapat ang pinag uusapan at hinahangaan!' 'Dapat ako ang kinausap ni Kamatayan kanina!' Natigilan ako sa pagbabaliktanaw nang magpaalam na ang guro namin. Kaagad kong isinukbit ang aking bag at dali-daling pumunta sa classroom ni Keisha na katabi lang no'ng sa amin. "Uhm excuse me, nasa loob ba si Keisha Loreen Yu?" mahinahong tanong ko sa isang student na kakalabas pa lang ng pinto. "Keisha? 'Yong baguhan?" tanong nito. Tumango lang ako tapos tiningnan niya 'yong loob ng room nila para i-check kung naroroon ba siya sa loob. "Wala eh, absent siya buong maghapon. Tanong mo si Heart, kaibigan niya 'yon. Baka alam niya kung nasaan ang bangkay no'ng baguhan, hahahahaha!" halakhak ng kumag. Ngumiti na lang ako sa kan'yang biro dahil sayang naman, baka mapanis at saka nagpasalamat. Kilala ko naman si Heart dahil nagkasama na kami minsan sa mga meetings ng Class Presidents last year. "Heart!" tawag ko. Liningon naman ako nito tapos lumapit sa akin. "Si Keisha ba, hindi pumasok?" tanong ko. "Keisha? Ahh oo! Ipinagpaalam siya sa akin ni Finn kanina. Ang sabi, kausap daw ni Kamatayan kaya ayon, hindi siya nakapasok simula kaninang umaga hanggang ngayon," anito. Nagpasalamat ako sa kan'ya at dali-daling umalis. Halos mapamura ako sa sobrang inis. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko ngayon. Dali-dali kong pinuntahan ang office ni Kamatayan, nagbabakasakaling maabutan silang dalawa na sana naman ay hindi, dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nakita silang dalawa. Habang binabagtas ang mahabang daan, isinasawalang bahala ko ang mga pumapasok sa isip ko. Kailangan kong kumalma ngayon. Mas lalo lang mapapalayo ang loob sa akin ni Kamatayan kapag umakto ako out of my feelings. "Zandra?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Vince. Dali-dali akong lumapit dito upang humingi ng tulong. Malakas ang koneksiyon niya kay Kamatayan dahil isa siya sa mga pinagkakatiwalaang tao nito. "Vince! You need to help me!" tarantang ani ko. "Oww, okay. Anong meron? Bakit tumatakbo ka?" takang tanong niya. "Kasi, kanina si Keisha kinausap ni Kamatayan. At hanggang ngayon wala pa ring nakakakita sa kan'ya! Alam mo naman kong gaano kadelikado si Kamatayan, hindi ba? Tulungan mo naman akong hanapin si Keisha, oh!" pakiusap ko. Nagulat ako dahil imbes na sumang-ayon eh isang mahinang tawa ang kan'yang pinakawalan dahilan upang kumunot nang labis ang aking noo. "What's funny?" tanong ko. Itinago ko pa ang inis sa tono ng pananalita ko para hindi siya magtaka. "Sorry, natuwa lang ako dahil hanggang ngayon pa rin pala concern ka kay Keisha. You really love her don't you?" tatawa-tawang tanong nito. Saglit akong natahimik tapos pilit na tumango na lang. 'B*tch, at sino naman ang magmamahal sa taong 'yon? Ang alam niya lang naman ay maging makasarili,' bulong ko sa sarili ko. "Kanina pa sila nakaalis ni Kamatayan. Ihahatid niya raw si Keisha sa bahay nila para kunin ang gamit nito. Mukhang si Keisha ata ang bagong kinagigiliwan ni Kamatayan, pero wag kang mag-alala dahil hindi niya sasaktan si Keisha. Kampante ako doon," ani Vince habang nakangiti pa rin. Sa sobrang pagkadismaya ko, hindi ko na napigilan pang hindi tumakbo palayo sa kan'ya. Bwesit! Bwesit! Bwesit!!!! Tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Masyado nang pinapainit ni Keisha ang dugo ko! Sumusobra na siya, ke bago-bago niya pa lang dito, gumagawa na agad siya ng paraan para mapuno ako sa kan'ya! Hah! Bakit pa nga ba ako magpipigil, kung mayroon naman akong malalapitan para idespatsya siya? Tingnan lang natin, Keisha kung magtatagumpay ka pa ngayon! Dahil hinding-hindi na ako makakapayag na maagaw mo sa akin si Kamatayan! Huminto ako sa likod ng school at umupo sa damuhan. Agad kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number ng taong makakatulong sa'kin. "What's up? Kumusta ang plano?" bungad na tanong nito sa kabilang linya. "Plano? Tsk! Pwede bang madaliin ko na? Walang araw ang lumipas na hindi ako naiinis sa bwesit na Keisha na 'yon!" pagrereklamo ko. "Relax! Makakabawi ka rin sa kan'ya. Sisiguraduhin kong mararanasan niya ang impyernong matagal niya nang hinahanap, kaya ang kailangan mong gawin sa ngayon ay magtimpi muna, okay? Trust my plan Zandra, hayaan muna natin siyang magpakasaya," ani to. "No way! Anong magpakasaya? Hindi niya deserve ang maging masaya! Not now, never! Malaki ang atraso niya sa akin at sa iyo, kaya I want her to suffer as soon as possible!" nanggagalaiti kong tugon. "Okay okay, gagawa ako ng paraan. Hintayin mo na lang okay? Ako na ang bahala sa babaeng 'yon," ani ya. Ibinaba ko na ang tawag tapos akmang aalis na nang may biglang sumulpot sa likuran ko. "Who are you?" laking tanong ko. Napangisi lang ito tapos biglang hinimas ang aking mukha dahilan para mapangiwi ako. Nandiri ako sa ginawa niya dahil namamasa ang palad nitong dumampi sa pisngi ko. "Hi! Nice to meet you! Alam mo, may maganda akong offer sa iyo na hindi mo pwedeng tanggihan," panimula niya. Hindi na nawala 'yong kunot ng noo ko dahil ngayon ko na nga lang siya nakita, gan'yan pa ang bungad niya. "What? Don't tell me kanina ka pa nandito? Narinig mo lahat ng sinabi ko?" kabado kong tanong. "Hmmmm parang gano'n na nga. But since parehas tayo ng goal, pwede tayo mag- collaborate. What do you think?" alok nito, habang abot tenga ang ngiti sa mukha. Sh*t! Anong gagawin ko? P*nyeta! Hindi pwedeng may makaalam ng plano namin! Masyado akong nadala ng galit para hindi mapansin na may tao pala sa likod ko. Kalma Zandra, at this moment, kailangan mong kumalma. "Sino ka para pagkatiwalaan ko? Kung narinig mo man ang sinabi ko kanina, wala akong pakialam. Pwede kang magsumbong kay Keisha o kay Kamatayan, 'yon ay kung paniniwalaan ka nila," mayabang na sagot ko. Kailangan kong mag isip nang mabuti. Wait, pwede ko naman siyang patahimikin ngayon, tutal, kami lang namang dalawa ang nandirito. "Hmmmm, nagawa mo pang manakot ah. Okay lang din kung hindi mo tatanggapin ang offer ko. Sayang din 'tong recorded voice mo kong hindi ko ipaparinig kay Keisha. Ano satingin mo?" ani ya, akmang maglalakad na palayo. Pero bago niya pa man magawa iyon ay hinablot ko nang mabilis ang braso niya dahilan para magpakawala ito ng malakas na tawa. Halos mabingi ako sa sobrang tinis ng boses nito. Tang*na! Wala na akong ibang choice kung hindi ang makipag-ugnayan sa hindi kilalang nilalang. Dahil sa galit ko kaya kailangan kong sumugal ngayon, kaya bahala na. Sana lang talaga ay hindi ko ito pagsisihan pagdating ng araw. "Ano bang kailangan mo sa akin?" mahina at nangggigigil kong tanong. Iniangat nito ang aking mukha para pagtawanan. Sa sobrang pagkainis, hindi na ako nakapagtimpi pa at pasimpleng dinukot ang balisong sa bulsa ng palda ko. "Oooopppsss, kung ako sa iyo hindi ko ilalabas 'yang patalim na 'yan. Pero kung gusto mong maputulan ng kamay ngayon din, edi go," kampanteng banta niya. How did she know na--- f*ck! "Ano ba kasing kailangan mo!" iritable kong sigaw. "Hahahaha! Chill! Ito na, sasabihin ko na. Simple lang naman. Kailangan mo lang ilayo si Keisha kay Kamatayan. Kaya mo namang gawin 'yun 'di ba? Besides, 'yon naman talaga ang gagawin mo kahit hindi kita sabihan. Sinasabi ko 'to sa iyo dahil, ako lang ang may karapatang lumapit kay Kamatayan. Kaya binabalaan din kita, kung ayaw mong malagutan ng hininga nang maaga, know your place," banta nito. Pakatapos niyang sabihin iyon ay dali-dali niyang binitawan ang mukha ko tapos umalis na. Yes! Wala man lang pasabi na lalayas na siya agad. Iniwan niya akong mag-isa habang ako ay nananatiling nakapako sa aking kinatatayuan at nagmumura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD