ZANDRA "You can call that girl a liar pero hindi nagsisinungaling si Dwight. Kapag nalaman ko na totoo iyon, ako mismo ang gagawa no'ng ginawa niyo sa kanya, naiintindihan niyo ba?" nanggagaglaiting banta no'ng nanay ni Kamatayan. Hindi kami umimik ni Kate dahil mas lalo lang naming papalalain ang apoy, basta ako kahit ano ang sabihin niya, okay na ako dahil naibigay ko na ang aking regalo. "You f*ckng b*tch! Kasalanan mo 'tong lahat!" sumbat ni Kate. Hindi ko namalayan na nakaalais na pala 'yong ginang. Binigyan ko siya ng 'what the heck are you talking about' look dahil bakit ako ang sinisisi niya? "Why me? Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Kung ikinalma mo 'yang kamalditahan mo no'ng una pa lang edi sana nasa loob pa rin tayo at nag e-enjoy!" bulyaw ko pabalik. Tinarayan ako nito't nag