VENUS Alas dyes na ng umaga, kating-kati na akong umuwi dahil sa trabaho ko, ang kaso masyadong maganda ang nilalang na nakayakap sa akin kaya hinayaan ko ang aking sariling manatili hangga't sa magising siya. Hinaplos ko ang mukha ng lalaking kaharap ko, sinipat ang bawat parte nito. Marami akong napagtanto habang ginagawa ko iyon katulad ng, mahaba pala ang kanyang pilitmata? Grabe! Ang tangos din ng kanyang ilong! Ngayon, nasagot na ang misteryo kung bakit nahirapan kaming magchukchakan kagabi. Hmfp! Pero, sapat na 'yong yakap-yakap niya ako buong magdamag. Kahit sabihin na nahuhuli kami compared do'n sa bago pa lang na couple, ang importante naman eh mahal namin ang isa't-isa, right? Natigilan ako sa pagpapantasya sa mukha ni Finn dahil malakas na nag-vibrate ang aking cellphone. Ka