SOPHIA "Opo, kumusta kayo d'yan? Tinatawagan niyo man lang ba si Keisha? Aishhh! Alam kong busy kayo pareho ni dad, pero paminsan-minsan naman kumustahin niyo iyon dahil alam niyong hindi ako kinakausap ng kapatid ko. Ni minsan simula noong dumating ako dito sa America kahit isang text o tawag, wala! Ha! Ewan ko ba d'yan sa babaeng 'yan! Paniguradong masyadong nalilibang ang bruhang 'yon sa SAA, tsss o baka naman may masama na sa kanyang nangyari?! Mama?" "Ano ka ba! Wag ka ngang masyadong OA naman d'yan, Sophia Jelyca! Nasa maayos na kalagayan ang kapatid mo. Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo na bumisita sila sa bahay kasama 'yong mga kaibigan niya? Naku! Kega-gwapo ng mga sinama ng kapatid mo. Sayang at hindi ko man lang sila na-picturan edi sana nakita mo rin. At isa pa, talagang sigurad