KEISHA Oh yeah! Back to basic na naman mga mare! Maagang nagsilayasan ang mga stupidents dahil start na ng second sem. At gaya ng nakasanayan, mayroong flag ceremony ngayon kaya naman mas maagang nagsilabasan ang mga stupidents. Hindi naman tumagal ang seremonya ngunit nanatili sila sa kanilang mga pwesto. Ako na walang alam ay lumapit sa isang mag-aaral tapos tinanong kung bakit hindi pa sila umaalis. "May announcement daw si Kamatayan," matipid nitong tugon. Napa 'ohh' na lang ako tapos bumalik muli sa aking kinatatayuan. Ano naman kaya ang sasabihin ng buang na 'yon? Baka may parurusahan na naman ng hindi ko alam. Hmmm--- "Keisha, let's go," bulong ni Kamatayan. Halos lumabas 'yong puso ko dahil sa gulat. Akala ko kasi nasa backstage ito, naghahanda ng kanyang sasabihin. "The f*ck