KEISHA "Tingnan mo nga 'yang itsura mo!" sigaw ko sa pesteng si Vince. Pilit na niyayakap ako ni Kamatayan para hindi na masampal pa ang bobo dahil halos maging pula pa sa pula ang pisngi nito. Ikaw ba naman sampalin nang paulit-ulit, ewan ko na lang kung hindi sumobra't maging violet 'yang pisngi mo. "Bitiwan mo ako, Kamatayan! Nakikita mo ba ang kalagayan ng kaibigan mo? Mas wasted pa sa wasted! Kung hindi pa naagapan ni Finn, paniguradong sa kangkungan pupulutin 'yan! Okay lang naman ang maglasing, pero 'yong abusuhin mo ang katawan mo, aba ibang usapan na 'yan, Vince! Nandito tayo para magsaya, makalimot, tumakbo panandalian sa mga pesteng problema natin sa SAA, pero g*go naman, kung ganito lang din naman ang gagawin mo sa sarili mo, dude, ikukulong kita sa kwarto mo!" nanggagalaiti