VENUS "Iche-check lang namin 'yong mga rooms, for the meantime, bahala muna kayo sa mga buhay niyo. Siguraduhin niyo lang na wag kayong masyadong lalayo," ani Kamatayan. Umatake na naman kasi ang pananakit ng binti ni Beshy, kaya napagpasyahan muna nilang magpahinga sandali. Kakarating lang din namin dito sa Vita Resort, isa itong private belongings na hindi ko pa alam kung sino ang may-ari. Ang sabi lang nito ni honeybunch sugar pie eh, matalik na kaibigan daw ni Kamatayan. Well, duda ako. Hmmmm, masyadong suspicious ang mga kinikilos nitong dalawang boys. Alam ko naman na hindi ko pwedeng guluhin nang guluhin ang aking new boyfriend, kasi nga, 'di ba, hindi pa namin lubos kilala ang isa't-isa at ayon alam niyo naman baka magbago ang damdamin at ma-turn off sa akin na wag naman sana. "