KEISHA "Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Ate Sophia iyon. Pero bilib din talaga ako sa ex mo, Keish. Biruin mo 'yon? Siya na ang naagrabyado, muntik nang mamatay tapos hindi niya ipapakulong si Ate Sophia? Napakabait na bata. Kung ako 'yon, pasensyahan na lang," ani Vince. Hindi ako kumibo, actually wala sa aming kumibo. Lahat kami ay nilalamon ng kani-kaniyang mundo dahil sa nakakagimbal na rebelasyong dala-dala ni Xen. Kasalukuyang nasa loob ng kanilang mga silid ang mga mag-aaral dahil lunes ngayon. Kami namang nandirito sa office ay walang ginawa kun'di ang tumunganga at mag-abang ng maaaring gawin. Charot! Kakatapos lang naming mag-ensayo ni Kamatayan sa gym kanina kaya lutang ako dahil masyadong nabugbog ang aking katawan. It's been a while since nag-train ako ulit at n