DWIGHT Hindi ko maipaliwanag kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito dahil kasalukuyang inilalathala ni Vector ang mga balitang nasagap niya sa H&S. "Sana maintindihan niyong dalawa lalo ka na, Kamatayan na habang tumatagal na wala ka sa H&S, palapit nang palapit si VP sa tropeyong ninanais niya. Alam kong hindi basta magpapauto si President Carlo, ngunit hindi niya na rin makakaya ang pressure mula sa UGSO kapag nalaman nila ang tungkol sa pag-alis mo. Sana sa mga sinabi ko sa inyo, mapag-isipan mo nang bumalik lalo na't ilang linggo na lang at magsisimula na ang BOTH na siyang magiging go signal para kay VP na agawin ang lahat sa inyo," babala ni Vector. Simula noong magsalita siya hanggang ngayon na tapos na, hindi ako kumibo, hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.