ZANDRA "Moooom!!! Oh my gosh! Matutupad na ang pangarap ko!" masaya kong tili. Nagulat si mom dahil bigla na lang akong nagsisisigaw rito sa baba. "Ano ba 'yan, Zandra? Maghunos dili ka at baka mabasag mo 'yang plorera sa gilid mo," babala nito. Ngumiti ako sa kanya at hindi pinakinggan ang sinabi nito. Ilang beses kong pinagmasdan ang text message mula kay Vince at hindi pa rin ako makapaniwala na nabuksan na ni Kamatayan 'yong regalo na ibinigay ko sa kanya no'ng birthday niya. Buti na lang talaga at busy ngayon si Kate. Sayang nga lang dahil hindi ko maipagmamayabang sa kaniya ngayon na sa bet naming dalawa, ako ang nagwagi. Sigurado talaga ako na hindi matatapos ang araw na ito na hindi ako kakausapin ni Kamatayan tungkol sa natuklasan niya. I'm so excited! Dali-dali akong buma