CHAPTER 67: KASUNDUAN

1445 Words

Nababalot pa ng dilim ang mala-purgatoryong paaralan, tahimik na sumasayaw ang malamig na hangin habang mahimbing na natutulog ang lahat. Ang buwan at mga bituing takot na nagmamasid ay hindi mapakali no'ng may isang nilalang ang palihim na binabagtas ang daan patungo sa kagubatan. Mabagsik ang kaniyang mga paang sinuong ang tuyo at mapanganib na lupa habang tila umaawit ng kamatayan ang mga kuliglig. Hindi naging madali ang paglalakbay ng mag-aaral dahil sa naglalakihang mga puno. Ngunit nag-aalab ang kaniyang puso upang malaman kung ano ang naghihintay sa kaniya sa dulo. Ilang minuto ang inilagi ng nilalang bago niya makita ang isang matangkad na lalaki na matyagang naghintay sa kaniyang pagdating. "Akala ko, bibiguin mo na ako." Isang nakakatakot na ngiti ang sumilay sa mukha ng isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD